CHAPTER 35

1.2K 46 43
                                    

-*-

ZARIA VIS' POV

Mag-iisang buwan na ang nakalipas nang ilipat si Zidious sa Section A. Natuwa ako sa resulta ng exam namin. Siya ang highest sa lahat ng subjects sa buong batch namin. Pati mga taga Section A, natalo niya.

And I am proud of him.

Mukhang hanggang dito na lang ako. Tapos na ang trabaho ko. Nag-progress na siya, nasa Section A na siya. Wala na siguro akong karapatan na lapitan siya kasi wala na namang purpose 'di ba?

Kaya siguro hindi na niya ako pinapansin kasi wala na siyang kailangan sa'kin?

Sana naman hindi.

I smiled bitterly to myself.

Mag-iisang buwan na niya akong hindi nilalapitan at kinakausap pero mag-iisang buwan na rin siyang hindi mawala sa isip ko.

Anong nangyayari sa'kin? Did I just fall for him?

Ano bang sinabi ko?! Wala, 'no!

Hinang-hina akong napa-upo sa sofa ko habang bagsak na bagsak ang sarili kong balikat. Saka ko lang naalala na birthday ko na nga pala.

I chuckled bitterly at napailing-iling na lang habang naglalakad papunta sa kusina. Binigyan kasi ako ni Theressa ng cake kanina. Hindi niya daw ako masasamahan kasi busy daw siya sa bar niya, sumabay daw kasi ang meeting nila ng mga investors niya at naiintindihan ko naman siya.

Inaya pa nga niya ako na sa bar na daw mag-celebrate kaso sobra na yata 'yon. Ang dami ko nang utang na loob sa kaniya idagdag mo pa ang mga literal kong utang!

Sabi niya pa kanina ay hahabol daw siya at pupuntahan daw niya ako pero hindi ko na rin siya pinayagan kasi baka pagod na ako.

Sapat na sa'kin na si Theressa ang naging kasangga ko sa maraming bagay. Hindi na niya kailangang pumunta dito sa birthday ko lalo na't wala naman akong celebration at mas lalong hindi naman ito importanteng araw para sa akin.

My birthday was just a normal day, my birthday is not an important day 'cause I'm not with my parents.

I chuckled bitterly again habang inilalapag ang cake ko sa center table. Sinindihan ko ang kandila saka umupo sa sofa. Huminga ako ng malalim kasi nagsisimula nang bumigat ang dibdib ko.

"H-Happy birthday to me..." my tears started to fall kasabay ng pagkanta ko. "Happy birthday... H-Happy birthday..." my sobs becomes heavier kasabay ng sarili kong pangungulila. "Happy b-birthday to me..."

Nakakatawa lang isipin. I just sang my own birthday song with that word 'happy'. Am I real happy?

Bakit naman hindi ako magiging masaya, e ginusto ko 'to, duhh? Ito ang gusto ko di ba? Ang umalis sa puder nila at ang maging malaya.

But why does I feel so alone without them? I wanted this pero bakit ang sakit?

Gano'n ba talaga ang epekto ng isang magulang? Totoo ba 'yong sinabi nilang kayang tiisin ng anak ang isang magulang? Bakit ako, hindi ko magawa?

"Dad, Mom, it's my b-birthday now. Naaalala n-niyo kaya ako?" I wiped my away my tears kasabay ng mabigat kong pag-hinga. "I l-love you, Dad. I l-love you, Mom. I miss you. D-Do you f-feel the same w-way?" Parang bata kong saad sa hangin na para bang naririnig nila ako.

Basang-basa na ang mukha ko habang nag-slice ng cake. Uminom ako ng isang basong tubig para naman gumaan ang pakiramdam ko. Saka nagsimulang kainin ang maliit na piraso ng cake na aking hinati.

Celebrating my own birthday alone. "Party party, self! Party party! Ang saya-saya wuhooo!" Parang tanga kong sambit sa hangin habang umiiyak na naman.

Heart 1: Teared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon