-*-
ZARIA VIS' POV
Nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako sa karinderya o hindi muna magta-trabaho. Pero hindi ko hahayaang magpa-epekto sa kung anoman ang nakita ko no'ng isang gabi.
Hindi ako nagseselos. 'Yan ang tatlong salitang pilit kong itinatatak sa utak ko. Hindi naman siguro tama ang hinala ko. Baka na-misinterpret ko lang 'yong nakita ko.
Ang alam ko, hindi masyadong magka-close ang dalawa pero baka naman magkakilala na sila bago ko pa malaman. Kabarkada ni Topaz ang boyfriend ni Theress kaya siguro hindi masama na magka-close sila ng gano'n.
Bakit kasi gano'n ang naging epekto sa'kin no'ng nakita ko?
Mabilis kong tinapos ang pagligo matapos ang pagmumuni-muni ko. Pupunta ako sa karinderya. Hindi maganda sa sistema ko ang magpa-epekto sa nakita ko. Ako na rin ang nagsabing I'm just his tutor.
Nahirapan akong mag-commute pero nakarating pa rin naman ako ng maaga. Pasado alas-sais na rin pero wala pang customer nang nakarating ako.
Nadatnan ko si Theressa na naghahanda na ng mga pagkain na inilalagay na nya sa mga kaldero.
"Good morning, Vis! Kumusta puday mo?" Hayy... bakit ba tumibok ang puao no'ng Mark dito?
"Ayon, mauubusan na ng pH care. Morning," I blankly answered.
Ganyan kami magbatian.
"Tss..."
Dahil may malapit na construction site dito, mabilis na dumagsa ang mga regular customer namin.
Kahit gusto kong kausapin si Theress, hindi ko magawa kasi sobrang daming customer ang nag-aagahan.
Paulit-ulit pero nakakapagod ang trabaho. Ngiti sa customer, kukuhanin ang kanilang order tapos dadalahin sa table nila. Hassle kasi medyo mainit ang panahon.
Unti-unti na akong nakakaramdam ng pagod pero inom lang ng tubig ang ginagawa ko. Sa pagla-lunch namin ni Theress, madalian lang din. Wala kaming oras magkwentuhan dahil mabilis na pagkain ang ginagawa namin.
Pagod na pagod ako at naisalampak ko ang sarili ko sa upuan 'saka ko inihilig ang ulo ko sa sandalan ng upuan at tumingala. Ubos na ubos ang lakas ko nang maramdaman kong may umupo sa harap ko.
"Hoy, Zaria! Ito ang tubig, oh! Mukhang pagod na pagod ang puday mo, ah?" Theressa and her puday. Hayst.
Kaagad kong ininom ang isang basong tubig. Medyo gumaan ang pakiramdam ko 'saka ko sya hinarap.
Kailangan mo s'yang kausapin, self! Hindi ko kayang may bumabagabag sa isipan ko na tungkol sa kanya gayong ang ganda-ganda ng pakikitungo nya sa'kin.
Bumuntong hininga ako hindi lang dahil sa pagod kung hindi dahil na rin siguro sa hindi ko alam kung paano sisimulan ang pag-uusap namin.
"Theress," pagtawag ko sa atensyon nya dahil tutok na tutok ang atensyon nya sa cellphone nya at pangisi-ngisi pa.
Halatang kinikilig ang puta!
"Hoy, Theress! Mukha ka d'yang baliw na ngumingiti mag-isa! Alam mo ba 'yon?" I rolled my eyes.
"Oh? Ahihihi," ay deputa! Nakaka-bitter naman 'yong tawa nyang kinikilig!
Kailan kaya ako pakikiligin ni Topaz ng ganyan?
Ay lintik ka, self! Bawiin mo 'yang sinabi mo!
"P-Pwede kang makausap?" Tanong ko sa kanya na palinga-linga sa cellphone nya at sa'kin.
BINABASA MO ANG
Heart 1: Teared Heart
Romance[WARNING: SPG/R-18!] Zaria Vis Lorenzo only wants freedom, and she hated her parents for being too tight on her. She escaped her perfect life just to savor freedom with poor life. She became independent as time flies... but then, she met Zidious Top...