CHAPTER 19

1.4K 69 16
                                    

-*-

ZARIA VIS' POV

"And the section that will be proceeding to finals is..." sadyang binitin ng emcee ang pag-announce dahilan para lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Unang laban ko, panalo ako. Section D ang nakalaban ko, hindi naman sa pagmamayabang pero confident ako na mas lamang ako kasi paulit-ulit lang ang punto at mga argumento nya. Pero ngayon, Section B ang nakalaban ko at halos dikitan ang laban namin at pagbabatuhan namin ng mga salita kanina.

"GO, BABEE!!!!" At ito pa nga ang isang putang 'to. Ako ang nahihiya sa pinaggagagawa nya.

Biruin mo, gumawa pa ng banner gamit ang kartolina tapos may mga dala lang one point five na boteng pampaingay! At kinunt'yaba pa ang mga kaklase namin.

Ang gwapo-gwapo ang tanga-tanga naman!

Para namang lalaban ako nito ng interhigh! Jusko, nakakahiya! Katabi ko ngayon sa isang mahabang upuan ang lalaking representative ng Section B. Nerdy sya pero magaling syang makitungo.

"SECTION E! SECTION E! SECTION E!" deputa ang ingay ng mga 'yon, nakakahiya!

"Huy," pagtawag ko sa atensyon sa kalaban ko. Nakangiti nya akong nilingon dahilan para lumitaw ang braces nyang mas lalong nagpamukhang nerd sa kanya. "Pasensya ka na sa nga 'yon, ah," anas ko pa.

"Hala, wala 'yon! Nakakatuwa nga 'yang section nyo, e. Nakakainggit tapos biruin mo, naging kwela 'yang si Zidious e samantalang dati ang sungit-sungit nyan," bigla akong naging interesado sa ikunukwento nya. "Naging masungit kasi 'yan ngayon kasi---!"

"The section that will be proceeding to finals is Section.... Section E!" Hindi ko na naintindigan ang susunod na sinabi ng katabi ko nang nabalot ng malakas na hiyawan ng mga kaklase ko ang buong hall.

Pansin ko sa peripheral view ko na kaagad na tumayo ang katabi ko na agad ko namang sinundan. Bahagya nya pa akong niyakap.

"Evan Scott," nakangiti syang naglahad ng kamay na tinitigan ko muna bago ko tanggapin.

"Zaria Vis Lorenzo," nakangiti akong nakipagkamay sa kanya. Kinonggrats pa nya ako bago sya tuluyang umalis.

--

Nagulat ako nang ang mabunot kong dedepensahan ay ang salitang "Mayaman" obvious naman siguro na "Mahirap" ang nabunot ng babae kong kalaban na taga-Section A.

Binalot ako ng pagtataka na may halong kaba kasi kanina parehas tungkol sa "Wikang Filipino" ang topic namin kasi nga Buwan ng Wika ngayon, 'di ba? Pero ano naman kayang kinalaman ng mayaman at mahirap na ito sa buwan ng wika? Ano naman kaya ang tanong.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at nagsimula nang magsunod-sunod ang pagpatak ng pawis ko. Section E versus Section A? Obvious naman kung sino ang mananalo pero lalaban pa rin ako. Hindi naman ako napunta ng Section E nang dahil sa performance ko. Napunta lang naman ako sa Section E kasi desisyon ko 'yon.

"GO BAABEE!!" Ayan na naman po ang Zidious 'the gwapong tatanga-tanga' hay... pero in fairness, medyo nawala ang kaba ko nang dahil sa gagong 'yon.. napangiti ako sa kanya na at pansin ko na pawisan na rin pala sya.

May nagtutulak sa'kin na bumaba sa stage at punasan ang pawis nya pero nasa gitna ako ng programa, e. Hay! Ano ba 'tong pinag-iiisip ko?!

"Hello," pagtesting ng Dean sa mic. Nakangisi ang gurang sa'kin pero bahagya ko lang inirapan pero ang tanga mas lalo lang ngumiti! Lamasin ko 'yang nguso mo, e. Pagka-ganitong kinakabahan na ako dito tapos tatawanan pa nya ako. "Hello, ladie---!"

"WAAAAH!! GO, BABEE!! GO SECTION E!" Pag-iingay ng Section E na pinangungunahan ng gago. Pinagbabanggaan pa nila ang dala nilang one point five na bote para makalikha ng tunog.

Heart 1: Teared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon