CHAPTER 56

1K 32 2
                                    

-*-

ZARIA VIS' POV

"After two weeks, puwede na po silang i-transfer sa kulungan pero imomonitor pa rin po namin sila para mapainom namin ng gamot on time at para na rin sa mga posibleng relapse," pormal na anunsyo sa 'min ng doktor. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil magaling na sila o malulungkot dahil makukulong sila.

"Kung imomonitor pa ninyo sila, mas mabuting dito muna sila hangga't hindi pa sila 100% na magaling," Zidious said.

Nasa Garden pa rin kami sa rooftop ng hospital. Dalawang building 'tong hospital, nasa rooftop kami ng mas mababang building at ang nasa rooftop ata ng nando'n sa mas mataas, e helipad. Hindi ko maiwasang mapalingon kay Mom at Dean na naka-upo sa wheel chair. Nakakangiti na silang pareho habang kinakausap nina Julia, Theress, Mark at Jomar na may kasamang dalawang lalaking nurse.

Napangiti na lang ako nang mapait. Hindi ko akalain na may gano'n pala silang nakaraan. Tunay na napakaliit ng mundo para sa anak pa ni Dean ako nagkagusto.

"Puwede pa rin naman 'yon, pero madagdagan ang kailangang expenses. Kailangan ninyong dagdagan ang laman ng account nila para sa mga gamot at miscellaneous. Okay lang ba?" Tanong ng babaeng doktor na kaharap ko. Nakaupo kami sa isang rectangular table na may mga pagkain. Magkakatabi kaming tatlo nina Dad at Topaz at nasa harapan namin siya. Napalingon ako kay Topaz kasi siya lang naman ang sumusuporta sa 'min. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya dahilan para napalingon siya sa akin.

"Deal, Doc. We can manage," Dad said na ikinagulat ko. Shit, where did Dad got that fucking guts to agree?! Si Topaz ang mahihirapan dito.

"Okay, ako na ang bahala sa papeles nila. Excuse me," tumayo na ang doktor saka ako nagugulumihang bumaling kay Dad.

"The heck, Dad?! Where do you think could we get income?" Nagkibit balikat lang si Dad na ikinainis ko.

"Relax, babe. May project sa 'kin na ino-offer ang isa kong kaibigan. A mansion. Tatanggapin ko na lang." Hindi ko maiwasang maawa kay Topaz, e.

"My business is still flying high worldwide, daughter. Forgot?" Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi ni Dad. "Ipinasa ko lang sa secretary ko for me to rest. It doesn't mean that I stop."

"The fuck, Dad?! Marami ka pa naman palang pera, bakit si Topaz pa pinapagastos mo?" Hindi ko maiwasang pagtaasan siya ng boses but he just smiled to us genuinely.

"You, two, shouldn't depend on me. Paano kung magka-apo na ako? Am I still the only one who'll spend money for your child? That was just a test if Topaz can support you financially. Hindi kayo p'wedeng masanay na dumedepende na lang sa 'kin o sa mga magulang ninyo. Husband and wife life wouldn't last if love is the only thing that you have. You must learn to live independently. Marunong ka na, Zaria, pero sa sarili mo lang. Having a child is hard... lalo na ngayong nalalapit na ang honeymoon ninyo," he chuckled. Nagkatinginan na lang kami ni Topaz sa 'di maipaliwanag na ekspresyon sa sinabi ng Dad kong magaling managalog.

"The fuck, 'Tay? Wala pang kasal, honeymoon na kaagad?" Babe said out of the blue.

"Tangina, Topaz, 'wag kang umakto na parang hindi mo pa ako nasusundot!" I rolled my eyes pero napatawa lang si Dad. Gano'n na lang yata ang tiwala niya kay Topaz para hindi magalit kahit ilang beses na niya akong pina-ungol. Hmp!

"Tama na nga, tara na do'n kina Dad," Topaz said saka niya ako hinila. Dad is walking while chuckling behind.

--

"Let's eat!" Masiglang anunsyo ng luka-lukang Julia pagkatapos naming magdasal. Nag-apir pa sila ni Mom sa kalukahan nilang dalawa. Dapat yata, e nandito rin si Julia, e.

Heart 1: Teared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon