CHAPTER 36

1.2K 43 32
                                    

-*-

ZIDIOUS TOPAZ'S POV

Gusto ko s'yang yakapin, gusto kong bawiin 'yong mga sinabi ko, gusto kong bumalik sa kaniya, gusto kong humingi ng tawad sa kaniya dahil hindi ko kayang makita siyang nasasaktan.

Masakit daw masaktan sabi nila, pero mas masakit palang manakit lalo na't mahal mo pa 'yong tao.

Sorry, Zaria, I need to do this. We need to do this even we're hurting. Hindi kasi lahat ng gusto kailangang sundin. Mas kailangan natin ang masaktan for you, Zaria. For you.

"I'm so sorry, b-babe," anas ko habang tinititigan ang cake na nasa harapan ko.

Nasasaktan ako para sa kaniya kasi siya 'yong bumuo sa'kin, e. She fixed me but look what I've done!

Looking her miserable face now that it's her birthday makes My Heart Tears Apart, but she didn't need to be with me. Hindi dapat s'ya lumalapit sa'kin. Baka saktan s'ya ni Dad.

I love Zaria. I think that reason was enough to do this. Ayokong saktan siya ni Dad dahil hindi ko s'ya kayang ipagtanggol. Hindi ko kayang pumili sa dalawa. I love them both in different ways.

Sorry, Zaria, but I need to hurt you for your safety. But swear, I'm hurting too.

"Bro, bakit mo ba kasi ginawa 'yon?!" Inis na tanong sa'kin ni Mark habang hinahagod ni Jomar ang likod ko. "Aba, dapat lang na mag-sorry ka sa kaniya! Pero 'yang mag-sorry ng parang tanga sa cake na 'yan? Jusko, Topaz! Kinakain 'yang cake hindi kinakausap! Ilang araw na 'yang panis d'yan pero hindi mo pa itinatapon! Anong nangyayari sa'yo?! Sasabihan mo s'ya ng gano'n tapos masasaktan ka? Aba, dre, mali 'yan!" I just smiled bitterly at him. "Tapos birthday pa niya no'ng isang araw, dre. Sino sa tingin mo ang kasama niya magcelebrate, ha? Mag-isa s'ya! Sabi mo nasasaktan s'ya nang dahil sa Dad n'ya pero, dre! Dinagdagan mo pa! Congratulations, pre! Congrats! Ang galing mo!" Sarkastiko niyang saad sa'kin na ikinaluha ng mga mata.

"A-Ang galing ko n-nga..."

"Shh, pre. Bakit mo ba kasi ginawa 'yon?" Malumanay na tanong sa'kin ni Jomar habang hinahagod ang likod ko. "Pre, masakit magcelebrate ng birthday ng mag-isa lalo na't hindi mo alam kung may nagpapahalaga sa'yo. Masakit 'yong sitwasyon ni Zaria kasi hindi niya sigurado kung naalala ba ng magulang niya na kaarawan n'ya. Biruin mo, pre, ang sakit no'n kasi kahit magulang mo hindi ka 'man lang binati, pero sasabihan mo ng parausan mo lang s'ya? Masakit 'yon lalo na't baka mahal ka na rin no'ng tao."

"H-Hindi naman kasi totoo lahat ng sinabi k-ko..."

"PERO NASAKTAN SIYA, PRE!" Sigaw ni Mark sa mukha ko na ikinatungo ko habang lumuluha. "GRABE! ANONG NANGYAYARI SA'YO?! SASABIHAN MO NG PARAUSAN?! ANONG TINGIN MO KAY ZARIA, POKPOK?!" Saad niya dahilan para hindi ako makapagtimpi at kuwelyuhan ko s'ya.

"Hindi pokpok si Zaria!" Inis kong bulong sa mukha niya. "Oo, tanggap ko, ako 'yong mali, ako 'yong tanga, ako ang masama, pero 'yang sabihan mo s'ya ng pokpok?! FUCK YOU!" Saad ko saka marahas ko s'yang itinapon papunta sa kung saan. "Ginawa ko lang naman 'yon para sa kaniya. Sinakripisyo ko ang nararamdaman niya para hindi siya masaktan! Masakit! Nasasaktan rin ako pero ito ang gusto ko! Hindi niyo ako naiintindihan! Masakit para sa'kin na hindi ko 'man lang maipagtanggol 'yong babaeng mahal ko! Masakit para sa'kin na mahina ako at wala akong magawa! Masakit kasi sarili kong ama ang nananakit sa kaniya! Hindi ko alam kung sinong pipiliin ko! Pareho kaming nasasaktan dito! Masakit, pre," my godamn tears started to fall endlessly at nagsimula nang bumigat ang dibdib ko dahilan para maghabol-hininga ako. "M-Masakit kasi m-mahal ko s'ya... mahal ko s'ya pero wala akong magawa! Ang tanga ko na, ang hina ko pa! Binggo! Bakit kasi ang bobo ko?! Hindi ko 'man lang alam kung ano gagawin! Lintik na buhay!"

Heart 1: Teared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon