CHAPTER 52

1K 30 0
                                    

-*-

ZARIA VIS' POV

Inihiga ko muna siya sa sofa. Hindi ko makaya ang bigat niya papuntang kuwarto! Hindi ko alam kung bakit ayoko siyang dal'hin sa condo niya. It was just the memory that I sculpted in his condo was still there. Hindi ko alam pero pakiramdam ko babalik lahat ng sakit no'ng ipinagtabuyan niya ako. Oo, nagpaliwanag na siya sa 'kin at he asked an apology and I accepted, but it can't change the fact na nasaktan ako.

Hindi ko naman alam ang gagawin sa lasing na nagda-drama kaya kumuha lang ako ng isang batya at nagbasa ng bimpo saka ko inalis ang sando at pinunasan ang buo niyang katawan.

Okay, self, 'wag masyadong hayok! Relax!

Tulog siya at amoy na amoy ko pa rin ang alak sa katawan niya. Ang init rin ng katawan niya.

Malamang, lasing! Tanga ka pala!

Pero kanina lang ang landi-landi pa namin habang iniinggit namin sina Julia, tapos ngayon lasing na siya? Ano na naman kayang nangyayari sa beklog ng bebe ko?

Speaking of Julia... pisting depungal, gabi na! Nasaan na ang luka?! Naku! Baka na-inggit sa 'min ni Theress! Baka sinagot na no'n si Jomar tapos kasalukuyan siyang nakikipag-jarjaran sa pisti! Ghawd!

Teka, ganito ba talaga ang ginagawa sa lasing? Pinupunasan ba talaga ng basang bimpo ang matipuno niyang dibdib at ang nakakatakam niyang abs? Baka naman chuma-chansing lang ako? Hayst, bahala na nga si Batman, basta ako inalagaan ko ang bebe ko. Hmp!

Teka nga, self... seryosong sagot ang kailangan ko.

Kaagad na sumingit ang balahura kong konsensya matapos kong punasan ang katawan niya at ina-ayos na ang bimpo at batya kong ginamit.

Oh, ano na naman 'yan, balahura kong konsensya? At nakuha mo pa talagang sumingit, huh?

Ano 'yang pagtawag-tawag mo ng bebe kay Fafa Zidious? Ano ibig sabihin niyan? Seryoso na ba 'yan o part lang ng kalandian niyo para inggitin si Julia?

Hindi ako nakasagot. Napa-upo na lang ako sa gilid ng sofa at hinaplos ang buhok ni Topaz na mahimbing na natutulog. Mariin kong pinagmasdan ang bawat parte ng mukha niya. Bawat anggulo sinaulo ko. Ang matangos niyang ilong, ang manipis at mapupula niyang labi, ang maputi niyang kutis, ang malambot niyang buhok na kasalukuyan kong hinahaplos... at kahit ang laway na bahagyang tumutulo mula sa bibig niya. Bahagya akong napatawa pero kaagad ring nawala nang muling bumalik sa 'kin ang iniisip ko kanina.

"Bebe nga ba? B-Babe na ba t-talaga? Mukha namang 'di ka seryoso, e," I said bitterly out of the blue saka ko itinigil ang paghaplos sa buhok niya at kinumutan siya. Hubad pa naman siya, ang hirap isuot ng sando niya, ang bigat ng beklog ng pota, promise.

I gave him a kiss on his forehead pero kaagad kong naramdaman ang isang kamay niyang unti-unting pumupulupot sa bewang ko. Marahas niya akong hinablot hanggang sa tuluyan na akong mapunta sa ibabaw niya habang yakap-yakap niya ako.

"Yeah, Z-Zaria. B-Bebe kita. Babe na u-ulit kita a-at s-seryoso a-ako," he said using his cracked voice. Na-estatwa ako sa ibabaw niya at hindi ako makagalaw o makapalag. I like this. "Alam mo, Zaria, may sinabi sa'kin si Manang Vicky dati."

Ayan na naman po magda-drama na naman po s'ya.

"A-Ayusin muna natin ang p-posisyon natin b-bago ka mag-kuwento," nauutal kong sabi habang unti-unti na akong pinagpapawisan. Buti na lang may kumot sa pagitan ng katawan namin. Hayst!

"Ano ba gusto mong position? D-Dog style?" Pinitik ko ang labi niya nang dahil sa sinabi siya dahilan para mapahawak siya roon at sinamantala ko na ang pagkakataon para umupo.

Heart 1: Teared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon