-*-
ZARIA VIS' POV
Nakakapagod pala maggala, hayst. Ewan ko lang kung napagod ang dalawa kong kasama kasi parang full charge pa rin sila sa sobrang sigla. Inabot na kami ng 8 ng gabi at nakasakay na kami ngayon sa kotse ni Theressa pauwi. Didiretso sila sa condo ko at doon daw sila magpapalipas ng gabi.
Anon nangyari sa mga puday ng mga 'to? Bakit hindi do'n sumama sa mga boyfriend nila? Tss.
"Julia, tangina, ayusin mo ang pagda-drive mo! Hindi ko pa kayang mamatay! Aanakan pa ako ni Mark, walanghiya ka!" Singhal ni Theressa na kita kong napakapit sa kung anong malapit na makapitan sa bilis ni Julia magmaneho!
Tumawa lang si Julia na parang luka! Nasa backseat ako habang magkatabi silang dalawa ni Theressa. Ang dalawang luka, mukha akong naligaw na inosenteng kuting kapag kasama ko sila!
Kanina sa mall, inaway nila 'yong isang babae dahil ang tagal gumamit ng fitting room tapos do'n sa restaurant naming kinainan, e inilagay nila sa bag 'yong kutsara at hindi pa namin nagagamit na tissue para daw may remembrance. Tangina nila.
Pero, self, may napapansin ako. Parang may kakaibang enerhiya na dala si Julia, e!
Anong enerhiya?
Look, no'ng silang dalawa ni Mom mo ang magkasama, pinainom nila ng Drive Max 'yong pusa tapos nag-adobo pa sila ng fried chicken tapos no'ng si Theressa naman ang kasama niya, e sari-saring kalukahan na naman ang nagawa nila.
Oo nga, 'no?
Hindi kaya may dalang virus si Jul---
"Fuck, Julia!" Asik ko nang may madaanan kaming humps pero hindi man lang siya pumreno! "Magdahan-dahan ka nga!" Sinagot lang niya ako ng tawa.
Trip niya yatang sirain ang kotse ni Theressa, e. Hindi ko alam pero no'ng nakilala ni Julia si Jomar, e naging luka-luka na siya. Anong kayang drugs ang inadik ng babaeng ito kasama si Jomar at mukhang wala sa katinuan. Psh.
Halos napahinga ako ng maluwag nang bahagyang bumagal ang takbo ng sasakyan. Tanginang Julia 'yan, sarap pasukan ng kahoy sa puday!
May narinig akong cellphone na nag-ring pero alam kong hindi akin ang ringtone na 'yon kaya hindi ako nag-abalang halwatin ang bag ko. Kay Theressa pala.
"Hello? Kumusta?" Saad ni Theressa na hindi ko maiwasang marinig. "H-Huh? H-Hindi puwede 'yon! Si D-Dad mo, kumusta? S-Si Sir?" Mautal-utal na tugon ni Theressa sa kabilang linya at bahagya na ring natahimik si Julia.
What's happening? Bakit pinagpapawisan ng ganito si Theressa? Bakit ang lakas bigla ng kabog ng dibdib ko?
"P-Paano nangyari 'yon?!" Asik na lang ni Theress nang ibaba niya ang cellphone at may ibinulong kay Julia. Nakita kong nagtatango si Julia at biglang nag-iba ang ruta namin.
"Sandali, Theressa, anong nangyayari? Bakit biglang nag-iba ang ruta natin?" Sunod-sunod kong tanong at bakas na rin ang kaba sa boses ko.
"Pupuntahan natin si Dad at Mom mo, Zaria," Julia said.
"Huh? Nandito na sila? Akala ko nasa Canada sila? Sabi nila sa'kin no'ng birthday ko, 'di ba?" Nagtataka kong saad.
Bakit gano'n ang itsura ni Theressa? Mukha siyang nabigla at natigilan? Ako ang kinakabahan sa kaniya, e.
"Sinong tumawag, Theress? Anong sabi?" Baling ko kay Theressa.
"Si Topaz ang tumawag, Zaria. Kasama niya sina Sir." Tugon ni Theressa.
"Nasaan sila?"
"Tumahimik ka muna, Zaria," alam kong pinipilit lang ituwid ni Theressa ang pagsasalita niya pero bakit? Anong sinabi ni Zidious? "Bilisan mo pa ng k'onti, Julia," hindi mapakaling utos niya kay Julia.
BINABASA MO ANG
Heart 1: Teared Heart
Romance[WARNING: SPG/R-18!] Zaria Vis Lorenzo only wants freedom, and she hated her parents for being too tight on her. She escaped her perfect life just to savor freedom with poor life. She became independent as time flies... but then, she met Zidious Top...