CHAPTER 10

1.8K 71 10
                                    

-*-

ZARIA VIS' POV

Nagising ako ng maaga at mabilis pa sa alas-kwatro akong napabalikwas ng bangon. Kailangan kong linisin ang apartment ko dahil sigurado akong kung ano-ano ang sasabihin ng Daddy kapag nakita nyang magulo ito. Hindi ko pa naman mamutaktakan ang paglilinis dahil busy ako, kuno.

Pagbangon ko, nagkape lang ako at kumuha na ng pang-linis. Punas-punas, walis-walis at nang matapos, pagod na pagod akong napaupo sa kawayang upuan na nasa harapan ng TV ko.

Lugaypay kong inabot ang remote tsaka binuhay ang TV. Pakiramdam ko'y antok na antok ako siguro dahil napuyat ako kagabi sa kakaisip sa pagbisita nina Mom at ng gwapong lalaking 'yun.

Parang nanlambot pa lalo ang katawan ko nang maalala ko si Zidious. Darn, ang bango ng leeg nya! Pero hindi maiwasang sumagi sa isipan ko 'yung pag-ungol nya! Jusko! Buti na lang ay sagana ako sa shoe-glue! Hay buhay! My virgin pempem!

--

Nabalikwas ako nang may marinig na malakas na tili ng isang babae. Natataranta akong napatayo at bumilis ang tibok ng puso ko na parang nagkakareragha. Umatake sa'kin ang kaba.

Napalingon-lingon ako at nang dumapo sa TV ang paningin ko, saka ko lang narealize na sa palabas pala galing 'yung tili.

Napabuntong hininga ako. "Jusko, akala ko naman kung ano na," saad ko sa sarili ko habang pinapatay ang TV. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kanina.

Kaagad akong nagdiretso sa banyo ng kwarto ko dahil ito lang naman ang banyo sa apartment ko. Mabilis akong naligo at inayos ang sarili. Maya-maya siguro ay darating na sina Dad kaya pagkatapos kong magbihis, bumili ako sa tindahan ng tinapay at juice para may mameryenda sila. Sigurado kasi akong kakain muna sila bago pumunta rito kasi nandito 'yung paboritong restaurant ni Mom at dahil AnderDaSaya si Dad, hindi 'yun makakatanggi. Kakahiya naman kung wala silang mangangata dito. Bumili rin ako ng palaman at dali-daling umuwi.

Pagkarating ko sa bahay, nagreview muna ako para sa periodical namin. Hindi muna siguro ako magrereview ng tungkol sa debate, sapat na siguro ang manood ako balita para roon, tutal mas importante naman ang periodical kesa sa  debate na 'yan na isinalang pa ako ng gurang na Dean na 'yun. Kung hindi nga lang ako mukhang pera, baka naubihan ko na 'yun sa mukha. Sinabi nang ayaw ko tapos pinilit pa nya ako, sabagay ayos lang naman sa'kin. Kaya lang naman ako tumanggi kasi ayokong humarap sa maraming tao dahil hindi ako sanay. Pero gusto ko rin namang i-represent ang section namin na magulo.

Mabilis na pumasok sa utak ko ang nga nirereview ko. Siguro dahil tahimik at tutok na tutok ako sa binabasa ko.

"Nasaan kaya sina Mom? Parang natagalan yata silang hanapin ako, ah," I chuckled out of the blue. Baka kung ano-ano pang kahitaran ang ginagawa ng mag-asawa kaya natagalan. Hayy.

Muli akong bumalik sa pagrereview at isang katok sa pinto ang dahilan kung bakit ako napatigil. Inayos ko muna ang sarili ko dahil sigurado akong sina Mom na 'yan.

Napabuntong hininga ako bago ko buksan ang pinto pero parang lalo akong kinabahan nang makita kung sino ang nasa labas ng pinto.

"A-Aling Ising?"

"Oh? Binibining Saryabis?" Sarkastiko nyang pagbanggit sa pangalan ko. "Nasaan na ang upa mo? Padalawang buwan mo na 'tong hindi nagbabayad ng upa, ah?" Paktay kang bata ka.

"Ah, ah-ehehe," napakamot na lang ako sa kilay ko.

Ano idadahilan mo, self? Isip, isp, isip isi--!

"Is this Zaria's Apartment?" Halos makahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang boses ni Mommy.

HA?! NI MOMMY?!! DARN! DOUBLE KILL, SELF!

Heart 1: Teared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon