-*-
ZARIA VIS' POV
"Sabi sa'kin no'n ni Manang, pinaglalaruan lang daw tayo ng tadhana. Kailangan lang daw natin maging matatag at patuloy na lumaban. Pero kahit daw sumuko pa tayo parehas, kung tayo naman daw ang para sa isa't isa, tadhana na daw ang mismong lalaban para sa'tin."
Tayo nga bang dalawa ang pinaglalaruan dito, Topaz? Baka naman ako lang?
Tadhana nga ba ang naglalaro? Baka naman ikaw?
I was fooled for the second time around. And worst, by the same person.
Bigla siyang nawala... ilang linggo na. Basta pagka-gising ko no'n, wala na s'ya sa tabi ko. Cliché. Gasgas na galawan ng mga manloloko! Haha.
Hindi ko alam kung bakit hindi naman gano'n kasakit. Ewan ko. Basta pagka-gising ko no'n, akala ko babalik pa s'ya pero naghintay ako sa wala. Para akong isda na naghahanap ng ilog sa gitna ng disyerto. Para akong nagdala ng aircon sa North Pole. In short, para ako tanga ---mali, mali! Tanga pala talaga!
Akala ko bebe na? Ano 'yon, bebe mo 'ko kagabi pero kasabay ng paglalaho ng dilim ay ang paglalaho ng nararamdaman mo? Sana nga gano'n lang kadali maglaho ang pagmamahal.
Hindi tayo nag-break, bigla mo lang akong hindi kinausap... bigla mo lang akong iniwan.
Tama na ang drama... basta pahalagahan ko ang mga taong nananatili sa tabi ko't magmo-move forward na ako.
Ay nako, self! Ilang beses mo na 'yang sinabi sa sarili mo? Sa'kin?
Ewan ko. Pero hindi naman ako nasaktan masyado kasi padalawang ulit na. Siguro gano'n nga ang tao; kapag paulit-ulit na nasasaktan, namamanhid.
Psh! Kadramahan mo!
Sa totoo lang, nawawalan na rin ako ng gana: nawawalan na ako ng gana sa kahit anong bahay; nawawalan na akong gana mabuhay.
Pero nand'yan pa naman 'yong barkada ko. Sina Julia at Theressa. Niyaya pa nga nila ako mag-mall, e! Ano namang gagawin ko sa loob ng condo ko kapag tumanggi ako? Mag-drama? Ayoko na.
Ito ako ngayon, nasa backseat ng kotse ni Theressa. Tangina, may kotse pala s'ya ngayon ko lang nalaman! Depungal na 'yan! Nasa passenger's seat naman si Julia at tawa ng tawa ang dalawa habang may pinapakinggan 'yong DJ sa radyo. Psh.
"Zaria! Bakit parang ang tahimik mo? Naubusan na ng energy ang puday mo?" Natatawang tanong ni Theressa habang nagda-drive.
"Pisting puday! WAHAHAHAHAHA!" Si luka-lukang Julia 'yon, trip niya tumawa. Parang ngangayon nakarinig ng salitang puday! Psh!
"Ito namang si Julia ang saya, palibhasa sila na ni Jomar! NYAHAHAHHAA!" Ang saya ng dalawang 'to ah? Baka nasisid 'tong dalawang 'to magdamag kaya ganito ang energy. Hayst.
"Syempre, alangan namang kayo lang ang lumandi? NYAHAHAHA!" Itong si Julia ang sarap tampilungin, e! Hindi na 'yan umuuwi sa condo, nando'n sa condo ng Jomar niya natutulog! Ewan ko naman kung hindi 'yan mabuntis sa isang araw. "Zaria!"
"Oh?" Blangko kong tugon sa dalawa na tinawanan lang ako.
"Kumusta pala kayo ni Topaz? Kailan ang kasal?" Lintik, hindi nga pala nila alam. Maling-mali naman sa oras 'tong tanong ni Theressa! Jusme!
"Wala akong pake sa kaniya. Kayo ba, meron?" I answered them with sarcasm at halos mapadaing ako nang biglang i-preno ni Theress ang sasakyan.
"What the heck?! Wala kang utang na loob, Zaria," said Theressa saka muling pinaandar ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Heart 1: Teared Heart
Romance[WARNING: SPG/R-18!] Zaria Vis Lorenzo only wants freedom, and she hated her parents for being too tight on her. She escaped her perfect life just to savor freedom with poor life. She became independent as time flies... but then, she met Zidious Top...