-*-
One week later...
ZARIA VIS' POV
Hindi magkamayaw ang lahat. They're all in trouble even my Mom and Topaz's Dad. While me? Hindi ko alam. I don't know what should I feel. I can't move... the only thing I know is that I'm shattered. Not just my heart but the every organ in my body.
Ang sakit. Ilang araw nang nakalamay si Dad pero hindi ko pa rin matanggap. Hirap akong kumain, matulog o kahit magsalita.
Naalala ko pa noon, I was mad at him before. Ayoko sa kung paano niya ako alagaan... nakakasakal. Pero hindi ko alam na magiging blessing in disguise pala 'yon. I didn't know that what he did was just a way for me to meet Topaz. Naglayas ako at dito nanirahan sa Pilipinas, nakilala ko si Topaz and he begged at him to love me.
Hindi ko alam na naging kakuntyaba pala nila si Theressa- my only friend here before. Bago pa magmakaawa si Topaz sa kanila, mahal na nila ako. Mahal na ako ni Dad. They cared for me... pinrotektahan pa rin nila ako at hindi ko inakala... hanggang sa pagtangkaan na ng Daddy ni Topaz ang buhay ko saka lang namin nalaman an buong kuwento na akala pala ni Mr. Velasquez na si Dad ang pumatay sa asawa niya... 'yon pala si Mom kasi dati siyang nagkakagusto kay Mr. Velasquez.
Hanggang sa lumabas sa imbestigasyon na totoong hindi aksidente ang nangyari at nagpatiwakal si Dad.
Wala akong ibang makitang motibo kundi ang sobrang lungkot at depresyon niya. Ang sakit siguro no'n sa parte niya na 'yong babaeng pinakasalan mo at kasamang bumuo ng pamilya ay may iba pa ring mahal.
Napakawalang-kuwenta kong anak. Hindi ko man lamang napansin na nasasaktan na pala ang ang Daddy ko.
It was like between us, I am the one who doesn't care about his feeling.
Akala ko wala siyang pakialam sa nararamdaman ko pero parang mali yata ang inakala ko.
Pero bakit sa tagal nang nangyari ito pero ngayon lang niya 'to nagawa? Bakit, Dad? Why do you have to do this? Wala na akong Daddy... wala na. Ang hirap.
Hindi ko nakita 'yong halaga niya no'ng nasa tabi ko pa siya... masyado akong nakampante. While I'm having fun, I didn't know that he's suffering so bad.
Akala ko tanggap niya ang nangyari but when I put myself in his shoes, hindi ko rin alam ang gagawin ko.
Nakatulala lang ako habang nakaupo sa harap ng kabaong niya. Hindi ako makakurap habang tinititigan ang mukha niyan nasa picture frame.
His genuine smile with his skin na punong-puno ng wrinkles. Bakas na bakas ang kasiyahan sa mukha niyang nakapinta sa litrato na alam kong hindi ko na mamamasdan sa personal.
Ang bigat at sakit ng pakiramdam ko pero tuyong-tuyo na ang mga mata ko.
"B-Babe... kain ka muna. Hindi ka pa nag-uumagahan, e." Ramdam kong umupo siya sa tabi ko at kita ko sa peripheral vision ko na malungkot niya akong tinititigan mula sa gilid ko. "Z-zaria..." his voice choke dahilan para mapabaling ako sa kanya and I saw him crying...
Hinaplos niya ang buhok ko gamit ang kamay niya habang ang isang kamay niya ay tinutuyo ang luha niya sa kanyang pisngi.
"Nahihirapan akong makita kang g-gan'yan... 'wag n-naman ganito, b-babe. A-alam kong nasasaktan ka p-pero... a-alagaan mo n-naman ang sarili mo," he cried.
Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan nang mariin ang dalawa kong kamay. "Gabi na. Kumain ka... sasabayan kita." He kissed my forehead saka ako tumayo nang wala sa sarili.
Wala sa sarili akong naglalakad habang naka-alalay siya sa 'kin. Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi si Dad.
Natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa harap ng isang mesa na punong-puno ng mga pagkain. Wala akong ganang gumalaw at narinig kong nagsalita ng kung ano-ano si Topaz sa tabi ko pero hindi ko maintindihan. Namalayan ko na lang na sinusubuan na niya ako ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Heart 1: Teared Heart
Romance[WARNING: SPG/R-18!] Zaria Vis Lorenzo only wants freedom, and she hated her parents for being too tight on her. She escaped her perfect life just to savor freedom with poor life. She became independent as time flies... but then, she met Zidious Top...