-*-
ZARIA VIS' POV
Halos naubos na nag customers namin ngayong araw. Syempre sobrang pagod na pagod ako. Tumatagaktak na ang pawis ko na halos paliguan na ang buo kong katawan.
Ang hirap kumita ng pera, putsa!
Nang matapos akong linisin ang bawat mesa, kaagad kong hinubad ang soot kong apron at nagdiretso sa kusina para makipag-chikahan kay Theressa. 'Wag kang ano, hobby talaga namin 'yon sa pagkakatapos ng trabaho namin.
Pero nadatnan ko syang naghuhugas ng pinggan sa lababo at puno na rin sya ng pawis. Parang may kung anong humipo sa puso ko nang makita syang pagod na pagod.
Pumasok sa isip ko na ito ang karamay ko dati no'ng nasasaktan ako, puday rin nito ang kausap ko sa tuwing kailangan ko ng mapagbabalingan ng atensyon, at dahil mabait akong bestfriend, nilapitan ko sya at tinulungan.
"Oyy, tapos na trabaho mo, magpahinga ka na at mamaya tayo mag-chikahan pagtapos ko dito," she said habang nakatuon ang buong atensyon nya sa mga kaibigan nyang pinggan.
"'Wag ka ngang ano d'yan! I'm not doing this as a job. I'm doing this as a friend! Bakit ba kasi ang ulaga-ulaga mo! Pwede ka namang kumuha ng taga-hugas ng pinggan! Kayang-kaya mo naman magpasweldo ng mga tao ayaw mong kukuha. Kutusan kita d'yan ng mga sampu, e!"
"By the way, alam mo naaawa ako kina Rizal, Bonifacio at iba pang mga bayani. Alam mo 'yon? Hindi ko alam pero nakakaawa sila. Feeling ko ang lungkot lungkot nila ngayon sa langit."
"Ay, may pakialam ka pala sa mga bayani? Akala ko puro kakirihan lang alam mo! Anyway, highway, bakit ka naman naaawa sa kanila ay hindi naman tayo sinasakop ngayon?" I said puzzling.
"Biruin mo, namatay sila para sa'tin, para sa kalayaan at kasarinlan ng bansa. Nagbuwis sila ng buhay para sa kalayaan natin para makuha ng buong bansa ang kalayaan," saad nya habang naghuhugas na kami pareho ng pinggan. "Pero ngayong nasa kamay na natin ang kalayaang inaasam-asam natin, saka pa natin sinayang." Napabaling ako sa kanya na parang nagising ako sa kung ano 'mang pagkakahihimlay.
"What do you mean?" Nangunot ang noo ko. Sumasang-ayon ako sa sinabi nya sa hindi ko malaman na dahilan.
"Alam mo 'yon, kung kailan nasa kamay na natin ang kapakanan ng bansa saka pa natin sinasayang. Siguro kung nakakapagsalita ang lupa nating tinatapakan, siguro nasabi na nya na 'anak, pakiusap, tama na, gusmising na kayo' pero patuloy pa rin na natutulog ang mga tao, e."
Ang lalim nya masyado. Hindi ko sya maintindihan. Hindi ko alam, e. Basta hindi ko sya maintindihan pero may parte sa sistema ko na sinasang-ayonan sya.
"Tulad ngayong eleksyon. Ang daming tao ang nagpabulag sa kasikatan at mabubulaklak na salita at gawi ng mga kandidato samantalang wala naman silang maayos na nagawa at maayos na plataporma. Ano ba kasi nangyayari sa Pilipinas? Kung sino pa 'yong hindi karapat-dapat, sya pa ang inihahalal." Panandalian kaming nabalot ng katahimikan. Medyo naliliwanagan na ako sa sinasabi nya pero komplikado pa rin. "Siguro umiiyak na sina Rizal sa langit. At sinasabing: 'Mga kababayan, anong ginagawa nyo?' Siguro kung nabubuhay pa sila hindi tayo magkakaganito kasi may magmumulat sa'tin. Pero hindi naman pwedeng sa kanila na lang tayo umasa. Pilipino rin tayo, e. May obligasyon tayo bilang kabataan at bilang mamamayan. Paano ba kasi sila magigising?!"
Hindi ko alam kung saan sya humuhugot ng gano'ng sama ng loob. Hanggang sa maalala ko na lang na dati palang kumandidato na mayor ang ama nya. Mabait 'yong ama nya at mahal ng mga tao, pero nabalitaan na lang namin na sumabog 'yong sasakyan na sinasakyan nya at sinabing may bomba daw do'n. Hindi ko naman pinagbibintangan ang kalaban nya pero sino pa ang pwedeng gumawa?
Wala nang bumasag sa katahimikan na bumalot sa'min. Hanggang sa matapos kami sa ginagawa namin at tuluyan na rin kaming nagpaalam sa isa't isa.
"Una na ako, Theress. Umuwi ka kagad sa inyo! 'Wag ka nang makipagtagpo sa boyfriend mo! Maggagabi na! Bigwasan Kita d'yan kapag pinairal ko 'yang kakirihan mo!" She just nodded at me while chuckling. "Siguraduhin mo lang at babarahan ko talaga ng semento 'yang puday mo kapag nabalitaan kong... ugh!"
"Sige na, sige na! Oo, salamat sa concerm!" She's chuckling but I can't see any trace of happiness in her eyes.
Siguro dinadamdam pa rin nya ang pagkawala ng ama nya. Bakit hindi ko sya dinamayan?! Ang tanga ko naman.
Bago ako tuluyang mawala sa paningin nya, I ran back towards her and give her a warm hug.
Naramdaman kong bahagya syang natigilan sya pero 'di nagtagal ay niyakap nya rin ako pabalik.
--
"Oh, anong ginagawa mo d'yan?" Anas ko nang madatnan ko si Topaz na nasa harap ng condo ko at nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pinto ng condo ko.
Malamlam na mga mata ang ginamit nya nang tumunghay sya sa'kin. Kaagad syang tumayo ay bigla akong niyakap.
Anong nangyari sa beklog nito, self?
Hawakan ko nga at nang malaman ko--charot!
Kaagad kong niyakap pabalik at hubad nyang katawan saka ko lang narealize na boxer lang pala suot nya. Pero natigilan rin ako nang maramdaman kong ang init ng katawan nya!
Mabilis kong kinalas ang yakap nya at idinampi ang likod ng palad ko sa noo nya. Ramdam kong ang bigat ng katawan nya at lugaypay na lugaypay.
Shit, ang init nya!
"Darn, Topaz, anong nangyari sa'yo?!" Inis kong singhal habang pinipilit na buksan ng key card ko ang pinto ng condo ko. Kaagad ko syang ipinasok sa kwarto ko kahit ang bigat bigat nya.
Pero nang akma ko na syang ihihiga sa kama, kaagad nyang niyakap ang bewang ko!
Naulanigan ko na lang na nasa ibabaw na nya ako habang nakahiga sya sa kama!
Kaagad akong ginapangan ng kaba. Parang may kung anong bato ang nakabara sa lalamunan ko at halos magbuhol-buhol na ang dila ko! Pakiramdam ko'y tumigil ang oras at tunog na lang ng mabilis na pagtibok ng puso ko ang naririnig ko! Naramdaman ko na rin ang mainit at mabango nyang hininga na tumatama sa mukha ko.
Naramdaman ko ang palad nyang sinapo ang batok ko at inilapit nya ang mukha ko sa mukha nya! Kaagad akong ginapangan ng kaba habang nakatitig ng diretso sa malamlam nyang mga mata!
Naramdaman ko na lang na marahas nyang sinisiil ng halik ang labi ko. Parang dinaluyan ng kuryente ang buo kong katawan sa mainit na halik na pinagsasaluhan namin.
Buong puso kong tinugon ang halik nyang akala mo'y wala nang bukas.
He isn't my first kiss. But his lips is the only lips that makes feel this happy. His kiss is the only kiss that makes my heart pound this hard.
Paano mo nagagawa sa'kin 'to, Topaz?
-*-
Author's Note:
Sorry, lame! NYAHAHAHAHA!
My dear Filipinos, WAKE UP!!! ;<
-*-
___________________________________
A vote is will always be appreciated...
BINABASA MO ANG
Heart 1: Teared Heart
Romance[WARNING: SPG/R-18!] Zaria Vis Lorenzo only wants freedom, and she hated her parents for being too tight on her. She escaped her perfect life just to savor freedom with poor life. She became independent as time flies... but then, she met Zidious Top...