-*-
ZARIA VIS' POV
Nagising ako nang maramdaman kong may mainit na hiningang tumatama sa leeg ko.
Akma na akong babangon nang marealize kong nakayakap sa'king katawan ang braso ni Topaz habang nakapatong ang isa nyang binti sa dalawa kong hita.
Dahan-dahan kong inalis ang kamay at binti nya sa katawan ko para makabangon.
"Ano ba kasing nangyari sa beklog nito at nagkasakit ng ganito?!" Tanong ko sa sarili ko nang maramdamang ang init pa rin ng leeg nya.
Hushit ka, Zidious! Dito ka pa dumayo sa condo ko! Lamasin ko 'yang beklog mo, e!
Umupo lang ako sa gilid ng kama sa tabi nya at mariin syang pinagmamasdan habang natutulog. Bahagyang nakaawang ang labi nya habang nakayakap sa unang itinabi ko sa kanya.
My Heart is beating so fast while the pair of my eyes is nailed at him. He's so angelic when sleeping pero tatanga-tanga kapag gising. Parang kahit yata tumulo ang laway nya, gwapo pa rin sya!
Bigla na lang na pumasok sa isip ko 'yong ginawa nya sa'kin no'ng nasa karinderya kami. He just sucked his finger with my saliva! Yucks! Ano kayang pumasok sa utak nito at naisipang gawin 'yon?
Dahan-dahan kong hinimas ang buhok nya saka tumayo at kumuha ng bat'ya na may lamang tubig at bimpo.
Habang pinupunasan ang mukha nya pababa sa leeg nya, hindi maiwasang mag-init ng mukha ko!
Darn, self! Anong nangyayari sa'yo!
Malamang nalilibugan! Tingnan mo kaya, oh! Naka-boxer lang tapos well-toned pa ang katawan! Yummy, hmp!
Lintik kang konsensya ka! Kung ano-ano sinasabi mo d'yan! Gusto mo palayasin kita?!
Ay tingnan mo kaya, pwede mo na syang kubabawan tapos halik-halikan!
Oo nga, 'no! Tapos tingnan mo 'yong labi nya kahit medyo dry pero mukha pa ring ang sarap halik--! Ay, deputa kang konsensya ka! Sa imbes na mangonsensya ka d'yan!
Haplosin mo na abs, oh! Ang yummy!
Beke nge kesye megesyeng sye! Ehehehe!
At dahil demonyita ako at marupok, isama mo pa na natalo ako ng balahura kong konsensya na hindi ko naman alam kung konsensya ba ang tawag! Dahan-dahan kong hinaplos ang abs nya!
Ahihihihi! Self, look, ang tigas!
Sabi ko abs, hindi tutot!
'Yong abs, matigas! Lintik na 'to sobra na 'yang pagka-balahura m--!
"Touch it, that's yours," kaagad akong natigilan nang marinig ko ang husky pero cracked nyang boses!
Marahas na nakahawak ang kamay nya sa kamay kong nasa abs nya! Natauhan na ako at gusto ko nang alisin ang kamay ko sa t'yan nya pero hindi ko maalis dahil sa kamay nya! Deputa!
"Zaria?" Darn, bakit ang sexy ng boses nya?!
"B-Bakit?" Shit ka, self! Bakit ka nauutal!
Nag-aapoy na ang maganda akong face dahil nasa abs pa rin nya ang kamay ko, langya! Parang ako yata ang kailangang uminom ng gamot dito! Feeling ko mahihinatay ako!
"T-Thank you s-so much," narinig kong bahagya syang suminghot ng sipon ba 'yon o kulangot?
Baka naman shabu?
Tang-ina kang konsensya ka, magtigil ka d'yan!
"F-For what?" Binitawan nya ang kamay ko at umupo sya mula sa pagkalahiga para magpantay ang mukha namin.
BINABASA MO ANG
Heart 1: Teared Heart
Любовные романы[WARNING: SPG/R-18!] Zaria Vis Lorenzo only wants freedom, and she hated her parents for being too tight on her. She escaped her perfect life just to savor freedom with poor life. She became independent as time flies... but then, she met Zidious Top...