-*-
ZARIA VIS' POV
"'Wag mo ngang turuan ng gano'n si Mom!" Singhal ko kay Julia na tatawa-tawa habang umuupo sa harap ng hapag.
"Hindi naman masama 'yon kasi ang pagkakaintindi naman n'ya do'n ay 'welcome home,' 'no! NYAHAHAHAHA!" Bulalas pa ng tawa ng pota!
"Kahit na!" I rolled my eyes at her bago ako sumandok ng pagkain.
Inintay lang talaga nila akong makauwi bago sila kumain. Nag-movie marathon daw kanina si Julia tapos no'ng dumating daw si Mom ay kinausap niya daw. Tapos laugh trip daw pala kausap si Mom kaya daw kung ano-ano kalukahan ang ginawa nila. Gusto niyo bang malaman kung ano?
Bumili sila kanina ng pusa. Lalaki't babae tapos pinainom nila ng Drive Max Coffee. Tiningnan nila kung malilibugan daw 'yong dalawa. Ayon, nakakulong kasi nagwawala. Hindi ko alam kung bakit pero tawa ng tawa ang dalawa habang kinukuwento sa'kin. Hmp!
Tapos dumaan daw sila sa fast-food chain at bumili ng fried chicken tapos pag-uwi nila dito, inadobo nila. Experiment daw. Ayon, nagtitiis kami ngayon sa adobong fried chicken. Hmp!
Tapos dumaan daw sila kanina sa sinehan. Nalaman daw nilang dadalwa na lang 'yong available na ticket no'ng bagong movie na Aladdin tapos binili nila at inuwi dito tapos itinapon daw nila para daw wala nang ibang makapanood! Grabe! Por que napanood na nila 'yong movie! Hmp!
Tapos no'ng pauwi na daw sila, dumaan daw sila sa botika at bumili ng isang kahong condom! Grabe! Ang mga tanga 'yong XXL ang binili! Ano isusuot nila do'n, talong?!
Grabe, hindi ko kakayanin kalukahan nila! Mukha akong naligaw na matinong tao kapag kasama sila!
By the way, nando'n daw si Dad kasama 'yong Theressa. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita 'yong mukha no'ng Theressa na nabaril daw at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit alalang-alala si Dad sa babaeng 'yon.
Biglang pumasok sa isip ko ang bestfriend kong si Theress. Buhay pa kaya ang karinderya niya? Hmm... matingnan nga bukas at namiss ko magtinda! NYAHAHAHAHA! Kahit haggard, masaya ako na naranasan ko magbanat ng buto para sa sarili ko.
"Let's eat!" Pormal na anunsyo ni Mom na akala mo ang sarap-sarap ng pang-ulam namin, e adobong fried chicken lang naman! May harina pa kaya masama!
Wala naman akong panahon para magreklamo kasi ito lang naman ang nilutong pang-ulam ng dalawang luka. Nababalot kami ng katahimikan at ang lukang Julia ay tawa ng tawa habang kumakain. Kaganda-gandang babae, luka-luka naman! Si Mom naman nagtatakang nakatingin sa'kin.
"Did Zidious took you here, Zaria?" Tanong ni Mom na bahagya ko pa ring ikinagulat.
Natigilan ako kasi kahit may ideya akong kilala niya ang tangang 'yon, parang ngayon ko pa lang nakumpirma sa sarili ko. Lintik na 'yan, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano niya naka-close ang tatanga-tangang 'yon!
Akma na akong susubo nang biglang tumunog ang doorbell ng condo.
Saka ko lang naalala na nand'yan nga pala si Zidious! 'Yong mga pinamili ko, lintik! Sana naman nahirapan siya sa pag-aakyat no'n dito!
"Ako na p--!"
"Open the door, Zaria," Mom cut off Julia.
Aangal na sana ako kaso baka si Topaz 'yon. Gustong makita ang beklog niyang hirap-hirap, pawisan at hinihingal. Gusto kong makita s'yang nahihirapan. Gusto ko s'yang barahin! NYAHAHAHA!
Babarahin mo s'ya, self? Sure na 'yan?
Oo, bakit, aber?
Lalaban ka ng barahan pero talo ka naman ni Fafa Zidious! Go, Fafa!
Tse!
"Excuse me," saad ko bago umalis at tiningnan lang ako ni Mom ng blangko. Mukha s'yang seryoso pero nasa loob kalukahan niyan. Hmp!
Dali-dali akong nagpunta sa pinto at binuksan ito. Hindi nga ako nagkakamali at ang tangang Topaz nga ang sumalubong sa'kin. Kaagad namang umarko ang kilay ko nang makitang may sexy'ng babae sa likod niya na dala-dala 'yong pinamili ko.
He grinned at me. It was as if he won against at me.
Talaga namang natalo ka niya! Pero sino naman 'yong babaeng nasa likod ni Fafa? Gawd! Fafa Zidious is only mine!
Tumigil ka nga d'yang konsensya ka!
NO! AKIN LANG SI FAFA ZID! HUEHUEHUE! 'WAG NIYO S'YANG AGAWIN SA'KIN! FAFAAA~
"Saan mo naman napulot 'yang clown na 'yan, aber?" I asked bitchily saka ko malagkit na tiningnan ang babaeng putok na putok ang labi sa kapal ng lipstick!
"That's what you call charm," he winked at me! Lintik na tanga! "Selos ka naman ba, babe?"
"'Wag mo nga akong tawaging babe, gago!"
"Babe," He stated.
"Gago," I rolled my eyes.
"Babe," he insisted.
"Gago."
"Babe."
"Gago!"
"Babe!" He said with a jolly tone. "I won!" He declared!
"Gago! Hindi ka nanalo!"
"Tatawagin mo akong babe kapag tayong dalawa lang o lalandiin kita sa harap ng mga magulang mo? Choose!"
"Hindi mo ako tatawaging babe o sasabihin ko kay Dad na ginahasa mo ako?" I smirked. Akala mo ikaw lang marunong mang-block mail, ah!
"Go on! Magsinungaling ka! Gan'an na ba tingin mo sa'kin? Manyakis?!"
"I won," I grinned then I crossed my arms in front of my chest.
"Excuse me, Sir," parang napapahiyang singit ni Ms. Clown saka umalis.
"Ano, natira mo na ba 'yong babae na 'yon?" Pagbibintang ko pa. Mainis ka, please.
"Kung sasabihin ko bang oo magseselos ka?" He smirked.
Lintik na 'yan, saan ba niya napupulot ang katangahan niya?!
"I won," he smirked.
"Who's there, Zaria?" Dinig kong tanong ni Mom! Shit, kailangan kong paalisin ang lalaking 'to! Baka papasukin pa ni Mom at worse, baka dito niya pa patulugin! Kilala ko si Mom, grabe, hindi ko kakayanin ang katangahan ng isang 'to!
"Umalis ka na, dali!" Itinulak ko s'ya papasok sa loob ng condo niya despite the things blocking our way. 'Yong mga pinamili kong pahara-hara!
"I'm here, 'Nay!" Sigaw pa ng pota!
"Lintik na 'yan, dalian mo na, buksan mo na! Baka makita ka niya!"
"Bakit ka ba d'yan natataranta?" He asked with so much sarcasm while opening his condo's door.
Hindi ko na s'ya sinagot at nakahinga ako ng malalim nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto ng condo niya. Dumungaw pa s'ya sa pinto niya saka ngumiti sa'kin. I just rolled my eyes at him.
"Aray--shit!" Daing ko nang marahas niya akong hilahin papasok sa loob and the only thing I knew is that I'm inside his condo at nakalapat ang likod ko sa pinto while he's pinning me.
"I missed you," he said. Sobrang dilim ng loon ng condo kaya mukha niya lang ang naaninag ko. Malamlam ang mga niya mata habang nakatingin sa'kin.
Hindi ko alam pero nanigas ang buo kong katawan nang unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Bahagya niya pang sinapo ang baba ko upang makatingala. I can't move in an unknown reason. I just closed my eyes tightly, a moment passed then I felt his lips pressing mine.
I answered his kisses wholeheartedly like my lips had its own mind. I kept on telling to my brain that holding this rose is a suicide. But my heart is controlling me. Kusa kong isinampay ang braso ko sa balikat niya saka mas lalong pinalalim ang halik namin. I cupped his head at mas lalong idiin ang mukha niya sa mukha ko. Then suddenly, he parted our lips.
"We're both losers, babe. Our hearts won..." he said.
__________________________________
A vote is will always be appreciated...
BINABASA MO ANG
Heart 1: Teared Heart
Romance[WARNING: SPG/R-18!] Zaria Vis Lorenzo only wants freedom, and she hated her parents for being too tight on her. She escaped her perfect life just to savor freedom with poor life. She became independent as time flies... but then, she met Zidious Top...