CHAPTER 34

1.2K 45 88
                                    

-*-

ZARIA VIS' POV

"Shit!" I can't help myself but to cuss nang sumalubong sa'kin ang isang malakas na ulan mula sa labas ng isang abandonadong building na pinagdalahan sa'kin ng mga putang-ina.

Mabuti sana kung ulan lang, tingnan mo naman 'tong daan! Putang-inang kaputek! Mukhang kumunoy na tapos kung tatakbo ako diyan, baka hindi pa ako nakakalayo, nabaril na nila ako.

Bakit ba kasi hindi ko nahalatang umuulan?!

Syempre nakashut-down ang buong diwa mo kanina! Pati nga ako hindi naka-eksena, e!

Ay, balahura kong konsensya? Okay na sanang 'wag ka nang umeksena. Epal ka lang naman!

Owediwaw! Buti nga sa'yo, hindi ka makakatakas! Hehe! Dapat kasi umeepekto pa rin 'yong pina-inom nilang sleeping pills para hindi na ako umeksena dito, e.

Ay, self, pinainom ba nila ako ng sleeping pills?

Oo, pinainom ka ng mga bobo! Biruin mo 'yon, wala ka na no'ng malay dahil do'n sa pinaamoy na pabango ni Mr. Janitor kuno pero pinainom ka pa rin nila! Bobo ang mga puta!

Siguro para umepekto nang matagal. Teka nga, nasaan ba ako? Papaano akong tatakas na hindi ko naman alam kung nasaan ako?! Baka maligaw lang ako nito!

Ayan kasi! May pa 'fighting-fighting-while-gaining-gaining-energy' pang nalalaman ay hindi mo rin naman pala alam!

Nasaan ba ako?

Aba, malay ko! Bakit ako ang tatanungin mo, aber? Bobo ka rin kasi, e! Hindi mo pinagana diwa mo kanina!

Akala ko ba naka-shutdown? Paano ko papaganahin?! Bobo ka rin!

Mas bobo ka! Syempre bubuhayin mo, duhh!

"Pre, nandito pala si ganda!" Dinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.

Si janitor kuno 'yon!

Takbo na, self! Takbo!

Mabilis pa sa alas-quatro akong tumakbo papasok sa loob ng isang kwarto.

Bakit d'yan ka tumakbo, at hindi ka tumakas? Ang bobo mo talaga!

Syempre sa labas nila ako unang hahanapin kaya dito ako sa loob! Malaki naman 'tong building kaya kong makipagsalisihan sa kanila! Kung sa labas ako tatakbo, aba ay baka malunod ako sa putik!

Oo nga, 'no!

Ikaw na konsensya ka, bobo rin!

Kanino pa ba magmamana? Syempre sa'yo!

Habol hininga akong nakasandal sa pinto ng kwarto ng isang abandonadong na kinaroroonan ko. Kahit na pasingit-singit ang balahura kong konsensya sa eksena, hindi pa rin mawala ang takot ko dahilan para bumilis ang kabog ng dibdib ko.

Hinawi ko ang basang buhok kong humaharang sa aking mukha. Basa pa rin ng dahil sa pagbuhos nila sa'kin kanina ng tubig. Tang-ina nila.

Ano ba kasing kasalanan ko?! Bakit ba kasi nila ako dinukot?! Anong pakay nila sa'kin?!

Konektado ba sila kay Dad na hihingan nila ng ransom dahil mayaman ang Daddy ko? Lintik na 'yan! Maraming mayayaman dito sa Pilipinas pero bakit ako?!

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at dahan-dahan ring lumabas nang biglang may sumunggab sa'kin!

"Bitiwan niyo ako! Aray--anong gagawin niyo sa'kin ?!" Daing ko habang pumipiglas sa malakas na paghablot sa'kin ni Mr. Naka-pony tail na malaki ang katawan.

"Parang kanina lang ang tapang mo pa, ah?"

Pinilit kong kumawala pero masyado siyang malakas. Kahit anong pigwas ang gawin ko, hindi pa rin ako makawala.

Heart 1: Teared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon