-*-
ZARIA VIS' POV
"Grabe, ganito pala dito!" Julia exclaimed.
"Para namang ngayon ka lang nakarating dito sa parking lot? Duhh?!" I rolled my eyes habang binubuksan ang compartment ng gagamitin naming van.
Nakaalis na si Mom kasama no'ng isang kotse niya dahil pupuntahan daw niya si Dad sa hindi-ko-alam-kung-saan na lugar.
Business trip na naman yata.
"Ang init-init naman dito!" Reklamo niya habang pinangpa-paypay ang palad niya. Ang arte ng pota, ah!
"Oyy, Julianabells! Tulungan mo nga ako dito sa paglalagay ng gamit! Hindi 'yang reklamo ka d'yan ng reklamo!" I rolled my eyes again.
"No! Nagmamantika na nga ako dito tapos patutulungin mo pa ako d'yan?" She rolled her eyes. Por que ang ganda mo, iirap-irapan mo na ako, ah. "Wait, WAAH! Ang ganda mo naman pala kapag walang glasses, oh!" Sinapo pa ng tanga ang mukha ko at iniharap sa kaniya.
"Itigil mo nga 'yan!" Singhal ko nang makita ko ang sarili kong repleksyon sa makintab naming van.
Maluwag at simpleng damit. Pang manang na palda at magulong buhok habang suot-suot ko ang brace ko. Nerd na nerd.
"'Wag ka nga d'yang malikot, pisti ka!" Singhal pa niya. "Ano kayang itsura mo kapag minake-up-an kita? hmm.."
"Bilisan mo nga d'yan at sumakay na tayo!" Singhal ko.
"Oo nga at baka may aircon sa loob," saad pa niya habang kume-kembot-kembot papasok sa loob.
--
"Buti na lang may aircon dito! Harsh!" Anas ni Julia sa tabi ko.
"Kuya, hindi 'to ang daan papuntang condo ko, ah?" Kunot noo kong tanong sa driver ni Dad.
"Ahh... sabi daw po kasi ni Boss, sa hospital ko daw po kayo dal'hin." Saad niya habang nakatingin sa'min gamit ang rear view mirror.
"May cancer ba kami para dalahin mo kami do'n? Ha?" Pagtataray ni Julia.
"Magtigil ka nga d'yan, Julia! 'Wag mong dal'hin dito katarayan mo kung gusto mong tumagal pa buhay mo!" Walang kwentang pagbabanta ko pa sa kaniya.
"Bakit, may parusa bang bitay ang magtaray dito?" She sarcastically asked and rolled her eyes.
Hindi mo matatalo ang katarayan niyan, self!
Alam ko! Kahit kailan ka talagang balahura kang konsensya! Singit ka ng singit!
Wala kang pake! Sisingit ako kahit sa'n ko gusto! Kahit sa singit pa ni Bebe Topaz!
'Wag ka nga d'yang maingay! Saka, kalimutan mo na nga ang isang 'yon! Parausan lang niya tayo no'n, 'no! Kalimutan mo na 'yong katangahan ko!
Nakalimutan ko na 'yong katangahan mo, 'no! Pero hindi ko malilimutan si Bebe Topaz, 'no!
Lintik kang balahura kong konsensya! 'Wag mo na ngang ipaalala sa'kin ang tatanga-tangang 'yon!
Napatigil ako sa pakikipagdebate sa balahura kong konsensya nang mag-ring ang cellphone kong ibinalik lang sa'kin ni Mom kanina pagkababa ng eroplano.
"Hello, Dad?" I picked up the phone saka ko lang nakita sa peripheral vision ko na tulog na ang mataray na Julia.
"Z-Zaria?" Nauutal niyang saad. "T-Theressa is h-here..."
"H-Huh?" Kaagad na nagunot ang noo ko sa sinabi niya.My whole system went puzzling 'cause of what he said. Theressa? Kilala niya 'yon? Here? Saang here?
BINABASA MO ANG
Heart 1: Teared Heart
Romance[WARNING: SPG/R-18!] Zaria Vis Lorenzo only wants freedom, and she hated her parents for being too tight on her. She escaped her perfect life just to savor freedom with poor life. She became independent as time flies... but then, she met Zidious Top...