CHAPTER 21

1.4K 60 24
                                    

-*-

ZARIA VIS' POV

"Zaria, makikidala nito do'n sa table na 'yon," utos sa'kin ni Theressa na kaagad ko namang sinunod.

As usual, naging marami ang customer ni Theressa ngayon. Syempre, it's a haggard ang stressful day again for me but I need to work. Oo, medyo nabawasan ang bayarin ko dahil binigyan ako ni Dad ng condo at nabalitaan ko na binayaran na rin nya utang ko kay Aling Ising pero marami pa akong kailangang pagkagastusan tulad ng projects, pagkain at baon ko. Buti na lang at malaking tulong ang binigay ng Dean sa aking 100% scholarship.

Habang nagta-trabaho, hindi mawala sa isip ko si Zidious. Did he just told me to remove those contact lense and wear this glasses again? And yeah, sinunod ko ang sinabi nya kahit wala akong kaide-ideya kung ano ang rason nya. Oo, sinuot ko 'yong glasses but my hair is not messy like before. Ponytail lang at maayos kong sinuklay dahil alam kong maiinitan ako ngayon sa sobrang dami kong gagawin.

Kaagad kong dinaluhan ang isang mesang iniwan ng isang grupo ng magkakaibigan para punasan at ayusin ang mga pnagkainan.

Paulit-ulit lang ang ginagawa ko pero ang sakit din nya sa puday.

Hello, self!

Hi, balahura kong konsensya! Nakakapagod 'di ba?

Oo nga, e. Buti na lang at pangongonsensya lang sa'yo trabaho ko rito kaya hay buhay ang sarap. 'Di tulad ng isa d'yan... pagod!

Deputa ka, balahura ka naman!

Oh, ayan! Karma mo 'yang pagod na 'yan dahil sa pagtawag mo sa'king balahura!

Ewan ko sa'yo basta balahura ka pa rin!

"Hey, Miss," halos mapaigtad ako sa gulat nang isang baritonong boses ang tumawag sa'king atensyon. May dala akong tray ng mga maruruming pinggan na agad kong ibinaba sa pinakamalapit na bakanteng mesa at nagpunas ng kamay sa suot kong apron.

"Ano po 'yon, Sir?" Ngayon ko lang napansin na may dala syang isang bungkos ng bulaklak. I found him handsome ang hot with his black fitted t-shirt dahilan para madefine ang laki ng katawan nya and with his faded blue jeans na sobrang bumagay sa sneakers nya. Pero mas gwapo pa rin si Topaz kahit tatanga-tanga sya.

"Nasaan si Theress?" Kaagad na nanliit ang mata ko at namay-awang sa tanong nya. Mariin kong sinuri ang gwapo nyang mukha. Matangos ang ilong, medyo mapungay ang mata, hindi gaanong kakapalan ang kilay, tamang laki ng panga, tamang kapal ng labi at morenong kulay. Napatango-tango ako nang sabihin sa sariling pwede na.

But I think I saw him somewhere before na hindi ko maalala kung saan at kailan.

"Nando'n sa kusina, Sir. Maupo muna kayo at hintayin nyo sya dito."

Kaagad kong kinuha ang tray at kumaripas papunta sa kusina. Nadatnan ko si Theressa na naghuhugas ng pinggan. Luka kasi sya kahit sya ang may-ari ng karinderya. Hindi kasi sya kumukuha ng taga-hugas. Hay, ulaga 'din ang isang 'to, e.

"THERESS!! ANG HABA NG HAIR NG PUDAY MO!!" 'Di ko maiwasang mapatili at mapalundag-lundag sa kilig para sa kanya. Wahahahaha!

"Oh, ano namang meron?" Bored nyang tugon habang inaalis ang apron nya.

"May naghahanap sa'yong gwapo do'n sa labas! Ang hot nya tapos may dala pa syang bulaklak tapos ang porma pa ng su--!"

"Ano daw pangalan?" She cut me off na pinanliitan ko lang ng mata.

"Basta lumabas ka na do'n!" Kaagad ko syang itinulak palabas ng pinto. "Ako na bahala sa mga pinggan, baka kailangan mo nang madiligan ang puday mo!"

Heart 1: Teared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon