CHAPTER 24

1.3K 56 20
                                    

-*-

ZARIA VIS' POV

Nag-aalala na ako kasi huling period na namin ngayong araw pero wala pa rin sya.

Madalas syang absent pero pumapasok naman sya ng isang beses sa isang araw. Pero ngayon, walang Topaz na pumasok. Hindi ko alam kung bakit sobra-sobra ang pag-aalala ko. Dahil lang ba 'to sa tutor nya ako? Oh may iba pang dahilan? May mas malaki pa bang rason kung bakit parang may malaking parte ng sistema ko na gusto syang makita.

Pagkatapos ng klase namin, inaasahan ko na magtatago na naman ako dahil baka nakaabang na naman sya sa pinto ng condo ko pero wala sya, hindi katulad ng araw-araw nyang ginagawa.

'Di ba Ito ang ginusto ko? 'Di ba ayaw kong makita nya ako? Pero bakit ganito? Bakit gusto kong gawin 'yong mahigit isang linggo ko nang ginagawa na magtago habang nakaabang sya sa pinto ng condo ko na suot ang miserable nyang mukha.

Bakit hindi ko magustuhan ang sitwasyon ngayon na walang Topaz na nag-aabang sa labas ng condo ko?

Wala na ba syang pakialam sa'kin?

Fuck you, self! Ilang beses mo syang iniwasan at pinagtaguan! Sa tingin mo, saan sya kukuha ng lakas ng loob para pakialaman ka? You're so stupid!

Lintik na balahura kang konsensya!

Bakit, mali ba ang sinabi ko? Ulaga ka rin, e! Akala ko ba iniiwasan mo sya? Akala ko ayaw mo syang makita? Bakit hinahanap mo sya ngayon?

"'Yan din kasi ang akala ako," I whispered somewhere.

Mabilis akong nagbihis at nagpahinga. Inihiga ko lang ang katawan ko sa kama ko at tumitig sa kisame. Hindi ko na namalayan na ilang oras na pala ako nasa gano'ng posisyon.

Hinihintay kong muling tumunog ang doorbell ko pero wala. Walang tumunog. Katahimikan lang ang bumabalot sa tenga ko.

Hay naku, self! Bakit mo naman iniintay na tumunog 'yang doorbell mo, e hindi mo rin naman bubuksan, aber?

Sobrang gulong-gulo ang utak ko. Magulo na parang nasa gitna ako ng malawak na palayan na hinahanap ang sarili kong kasing liit lang ng karayom.

Mabilis akong nag-ayos ng sarili para dumiretso sa bar ni Theress. Lulunurin ko ang sarili ko sa alak. Baka sakaling maging maayos ang sarili ko kapag nagkaro'n ng alcohol ang sistema ko.

"Isang boteng beer lang at fries," saad ko sa waiter na lumapit sa'kin. Kakadating ko pa lang pero parang nag-aalisan na ang ilan. Inilinga-linga ko ang paningin ko nang isang pamilyar na bulto ang dinapuan ng mata ko.

T-Topaz?

Nakita ko syang nakaupo habang nakahilig ang ulo nya sa sandalan ng upuan at nakatingala sa kisame dahilan para tumambad ang malaki nyang adam's apple. Mariin syang nakapikit na ngumingiwi-ngiwi na parang may pinipigilang tumulo mula sa mata nya.

Nasa gilid nya ako. Medyo malayo ang distansya namin pero nakikita ko sya ng mabuti kahit medyo dim ang ilaw.

"Ma'am, ito na po," naulanigan ko na lang ang paglapag ng waiter sa order ko habang nakapako pa rin sa lalaking miserable ang paningin ko. Kaagad kong tinungga ang beer pero natigilan ako nang makitang may babaeng lumapit sa kanya.

Nakita ko iminulat nya ang mata nya at may kung anong sinabi sa babae. Parang may isang maliit na karayom ang tumusok sa puso ko sa view. Parang gusto kong lumapit at hilahin ang babaeng hindi ko makilala kung sino dahil sobrang dilim ng kinauupuan nya.

Bigla na lang umub-ob si Zidious at pansin kong medyo gumagalaw ang balikat nya.

Umiiyak ba sya?

Heart 1: Teared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon