CHAPTER 45

1.1K 35 1
                                    

-*-

ZARIA VIS' POV

Resisting my tears to fall while letting out deep sighs is the only thing I can do.

Posible pala 'yong ganitong uri ng katangahan, 'no? 'Yong katangahan na hunawak ako ng matinik na rosas na akala ko ikakasaya ko pero ikaluluha ko lang pala sa huli.

Pero alam niyo ba 'yong mas tanga? 'Yong kahit lumayo na ako, I'm still craving for that rose even tho this flower made me cry before. And now, it was like I'm letting this rose to fool me again. Hinahayaan ko na namang saktan niya ako, pero hindi naman ako masasaktan kung hindi ko hahawakan ang matinik na bulaklak na kagaya niya di ba?

Pero bakit patuloy pa rin ako sa pagkapit? Hindi pa naghihilom ang mga sugat na dulot ng tinik niya pero parang muli ko na namang hahayaan na sugatan niya ulit ako. Muli ko na naman yatang hahawakan ng mariin ang rosas na ito... kahit nasasaktan ako.

Hindi rin naman kasi ako masasaktan kung hindi ako kakapit. Pero 'yong tanga kong puso na ayaw makipagkasundo sa utak ko'y patuloy na itinutulak ang kamay ko na diinan pa ang paghawak kahit masakit. Bakit hindi ako manalo against my heart?

Time and distance didn't win against my love for him. Ako pa kaya ang manalo laban sa pag-ibig, e tao lang naman ako?

Ayoko nang magmahal, gusto ko nang sumuko pero bakit parang may nagdidiwang dito sa loob ko nang dahil lang na sinabi niyang ako 'yong babaeng pinag-usapan namin?

Gusto kong maniwala pero alam kong lolokohin ko lang ang sarili ko. Gusto kong sak'yan ang mga kasinungalingan niya pero alam kong sasaktan ko lang ulit ang sarili ko.

Sa nadaanan kong sakit noon, alam ko na may kasalanan rin ako. Niloko niya ako, pero hindi naman ako maloloko kung hindi ako magpapaloko. Pinaasa niya ako, pero hindi naman ako mapapaasa kung hindi ako tangang umasa.

Lately, I'd used my heart to love. But now, I will use my brain as a shield. Maybe I'm still inlove with you, Topaz, but someday, I'll forget about you. Makaka-move on ako at hindi na muling magiging parausan.

Nakakapagsisi lang kasi sa'yo ko pa unang ibinigay ang lahat sa'kin. They say, "A girl is a man's reward," not "Girls are a man's reward." He's a whore and he had fucked many woman.

Prettier, sexier and far better than me. I gave him a sex with love habang idinadaos lang niya sa'kin ang libog niya.

You're so tanga, self.

Alam ko, balahura kong konsensya!

"Z-Zaria? Okay ka na?" Ang awkward lintik! He looked at me through the rear view mirror while he's driving the car. Nasa back seat ako dahil mas gusto ko dito.

Tinatanong niya ako dahil natapilok ako kanina nang dahil na naman sa katangahan ko. Okay na naman ako.

Kunwari nag-aalala ang pota pero niloloko lang naman ako! Nasasaktan ako pero hindi ko hahayaang ipakita sa'yo! Kailangan kong ipakita na wala siyang epekto sa'kin! Kailangan kong ipamukha na wala na akong nararamdaman para sa kaniya.

Kahit meron pa.

Tumango lang ako at hindi ko man lang siya tiningnan, instead I looked outside the car pero mahabang oras kaming nabalot ng katahimikan. Malayo-layo pa ang bibiyahihen namin kaya ang awkward awkward!

"H-Hoy!" Hindi pa kumu-kumupas 'yong pang-FAMAS kong acting skills!

"Oh? Need anything, babe? Water? Food?"

Sa totoo lang, wala naman akong dahilan para tawagin siya, nao-awkwardan lang talaga ako! Babasagin ko lang ang katahimikan at ang lintik na awkwardness na 'yan!

Heart 1: Teared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon