-*-
ZARIA VIS' POV
"Oh, ayan pa. Kailangan mo rin nito... tapos ito pa, kainin mo rin 'to, tapos inumin mo na rin 'tong gatas, eat this too," hindi ko alam kung bakit ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko habang pinagmamasdan si Topaz na aligagang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ko. "Ubusin mo 'yan, kailangan may lakas ka mamaya kapag umakyat ka na sa stage."
"Sino namang may sabi na aakyat ako sa stage, aber? Sigurado ka nang panalo ako?" Pinilit ko syang tarayan pero nginitian lang ako ng puta. Special thanks sa shoe glue ng panty ko na dikit na dikit sa pempem ko kaya hindi sya malalaglag.
"You're the winner, babe and I'm very sure! Pinanood kita kanina ang galing mo! Kung nakakasugat nga lang 'yong mga salita mo, bugbog sarado na kalaban mo! You're so smart, witty and kinda cute, babe," he slightly pinched my temple at niyakap ako mula sa tagiliran.
"'Wag ka nga d'yang malikot! Kakain na ako, fine. Pinagtitinginan na tayo, deputa mahiya ka," he just chuckled at kumalas sa pagkakayakap sa'kin.
Nagsimula na akong kainin ang ga-bundok na pagkain sa pinggan ko. Pinagtitinginan na ako dito sa canteen kasi pinapanood ako ni Topaz kumain. Ang lalagkit ng tingin ng mga babae kahit 'yong ilan ay halatang kinikilig sa aming dalawa.
Kahit naman iniinis ako nitong lintik na Topaz na 'to, sobrang thankful pa rin ako sa moral support nya. Nahihiya ako sa pinaggagagawa nya pero gwapo pa rin naman sya. Lols!
Ay, self ang nagsisimula na namang lumandi 'yang puday mo! Kapag 'yan nawakwak, 'wag mo akong iiyakan!
Ay, buhay ka pa palang balahurang konsensya ka? Akala ko sumama ka na sa puting van na nangunguha ng mga balahura!
Oh, e nahiya naman ako sa'yo! Mas balahura ka kaya kesa sa'kin!
Ewan ko sa'yo!
"'Wag mo nga ako d'yang titigan!" 'Di nagtagal ay singhal ko sa kanya na nakangiti akong pinapanood. Kita kong kumikinang ang mata nya na parang manghang-mangha sa pinapanood.
"Bakit, kinikilig ka?"
"H-Hindi, 'no! S-Sinong kinikilig?!" I forced myself to roll my eyes kahit na nagkanda-uutal na ako! "By the way, thank you, ah," I smiled at him.
"For what?"
"Sa pagiging kaibigan, sa pagiging tatanga-tanga, sa pagsupport sa'kin. Sa lahat." My heart pounds so hard. What's happening to me? What's with his sweet sexy smile?!
"You're blushing, babe," he slightly pinched my temple.
"B-Blushing? Ganan ba dapat sagot sa thank you?" I rolled my eyes.
"Oh sya kumain ka na. You need energy."
"For your information Mr. Velasquez, kanina pa ako kumakain dito! Tingnan mo nga hindi pa ako nangangalahati! Patatabain mo yata ako, e!" I rolled my eyes again for the nth time.
"That's okay. Even you're fat, you're still my one and only babe," walang'yang mukha 'to! Pwede nang pag-prituhan ng itlog sa sobrang init, e! Bakit ba ganito ang mukha ko! "You're so cute when you're blushing, babe."
"Bakit, hindi ba ako cute kapag hindi ako nagba-blush?"
"Yeah," I rolled my eyes at him again. Deputa ang isang 'to! "Aray--ouch! Masakit, bab--aray!" Naiinis ko syang pinagsasapak ng mahina lang syempre.
He grinned sexily when I stopped what I doing.
"You're not cute when you're not blushing 'cause you're beautiful. And I godamn love it," bulong nya sa tenga ko dahilan para mag-sitayuan ang balahibo ko.
BINABASA MO ANG
Heart 1: Teared Heart
Romance[WARNING: SPG/R-18!] Zaria Vis Lorenzo only wants freedom, and she hated her parents for being too tight on her. She escaped her perfect life just to savor freedom with poor life. She became independent as time flies... but then, she met Zidious Top...