Chapter 1: What A Start
-WYNNE KHALIL CY-
"Shoot! Tumawag na kayo ng teacher!" Sigaw ng isang estudyante mula sa di kalayuan dahilan para mapairap na lang ako. Nakikinood nalang aarte pa. Ang hirap sa mga estudyante dito, puros mga sumbungero.
"Stop that! Tigilan mo na s'ya! Ano ba!" Sabi ng babae sa gilid pero pakialam ko ba sa kan'ya.
Imbis tuloy na kumalma ako ay mas lalo lang akong binanas dahil sa pakikisali nito.
Sa yamot ko ay pinanlakihan ko ito ng mata at inambahan ng suntok na s'yang ikinatakot naman n'ya pero nasa ganoong sitwasyon kami nang may dumating na teacher.
"MS. CY! TO THE DEAN'S OFFICE! NOW!" Napalingon naman ako kay Kalbo sa sinabi n'yang 'yon. Panira talaga 'tong si Leandro kahit kailan.
Agad kong ihinarang ang daliri ko sa harap nito at inilingan.
"Leandro, wala ka talagang galang. Kita mong nakikipagaway pa ako kasi ang bastos-bastos ng anak ng dean eh. Syempre, I should give him a lesson-"
"NOW!" Malakas na sigaw nito dahilan para marahan akong mapapikit at napahawak pa ako sa tainga ko dahil sa lakas ng boses nito.
Dismayado man ay wala na din akong nagawa kundi ang bitawan ang kwelyo ng anak ni Dean dahil hindi na makapaghintay si Kalbo.
Sukat talapirin daw ba naman ako sa hagdanan, edi ayun. Tumimbawang ako, pinagulong gulong, at nahilo.
Kung hindi ba naman ako nito pinapakailaman edi sana ay buo pa ang mukha n'ya ngayon pero dahil bastos s'ya ay deserve naman n'ya ang ibinigay ko sa kan'ya.
Kasalanan ko bang gumanti? Syempre noooo, a big nooooo. Dapat nung sinuntok ko s'ya hindi na s'ya pumalag. Eh kaso matigas ang mukha noong apo ng dean na 'yon at lumaban pa sa'kin eh sya naman ang nagumpisa ng lahat.
Prenteng binuksan ko ang pintuan ng Dean's office at ayun si Tanda... Tingnan mo, stress na naman 'tong lalaking 'to.
Naawang napailing ako dito bago ilapag ang Yakult na nasa bulsa ko sa desk nito.
"Ms. Cy, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Mabuti pa at tatawagan ko na muna ang mga magulang mo at sabihin ang nangyari." Napahawak si Tanda sa nose bridge nyang pango. Arte naman neto? Makahawak sa ilong, akala mo naman may ipagmamalaki.
If I know, bukol lang naman 'yon.
"Dean, wala po'ng load." Malumanay na sabi nung secretary ni Tanda. S'ya 'yung nasa Bear brand. MALOUpet, at MALOUmanay.
"Ako na tatawag sa parents ko. Naturingang nagpapatakbo ng school tapos load lang wala ka pa, anak ng." Hindi ko na pinansin ang mga susunod na bulungan ng mga teachers na nasa loob ng Dean's office at idinial na lamang ang number ng tatay ko.
"Wayne, pinapatawag ka ng dean sa office nya. Baka magdedate kayo ni tanda 'di mo sinabi sakin." Bungad ko dito sa telepono.
Narinig ko naman ang malakas na pagbuntong hininga nito.
Makabuntong hininga, wagas. Kala mo naman nagma-mouth wash.
[Ano na naman ba'ng ginawa mo this time Khalil.]
"Nagkasuntukan kami ng apo ni Tanda. Ay mali, ako lang pala ang nanuntok sa kan'ya."
[Bakit mo naman ginawa 'yon anak---Honey sino yan---Si Khalil.] Bigla kong narinig ang isa pang boses mula sa kabilang linya kaya naman napahawak ako sa bibig.
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...