Special Chapter: Bumalik 'yung Multo

169 11 2
                                    

Chapter 63: Bumalik 'yung Multo

—KAZUKI HIRUKASHI TAMARA—

"Ikaw, sinabi sa'kin ni Khalil na naginom ka daw nung wala ako. Para kang ulaga. Ang sabi mo sa'kin hindi ka nagiinom."

"Sus, napakasumbungera talaga nung bruhang 'yon."

"Nagwala ka pa sa morgue."

"Hay nako Khalil."

"At talagang hindi ka daw nagsusulat ng lecture. Umamin ka nga..." Biglang nanlaki ang mata ko nang biglang sabihin ni Casper 'yon.

Teka anong aaminin ko? May alam ba sya? Anong alam n'ya? Sinabi ba ni Zumi sa kanya? Argh! Nako! Ang tagal kong tinago!

"Pinababayaan mo ba sarili mo—"

"Wala akong gusto sayo."

Wait.

Uh! Utang na loob Kazuki.

Napahawak tuloy ako sa bibig ko dahil sa sinabi ko.

"I-ibig kong sabihin, hindi ko pinapabayaan sarili ko—"

"Hindi mo 'ko gusto?" Nagtatakang tanong nito.

Bahagya pang nagdidukit ang makapal n'yang mga kilay habang sinasabi 'yon.

Gusto kong sampalin 'yung sarili ko dahil don sa sinabi ko!

Bakit naman kasi masyado akong excited?! Argh! Ano ba naman 'yan Kazuki.

"Ah HAHAHAHAHA!" Pagtawa ko ng malakas. "Tara don!" Pagiwa ko.

Gumana ka. Gumana ka please.

Napapikit ako habang nakatalikod dito at maglalakad na sana palayo nang bigla nitong hawakan ang braso ko dahilan para mapapikit ako lalo.

Huhu. Help.

Bakit ba kasi nangunguna ako?

"Saan ka pupunta?" Tanong nito.

"Ano... Doon! Diba, doon tayo. Tara!" Nakangiti kong sabi. Siguro ay mukhang natatae ako habang sinasabi ko 'yon sa harapan nya.

Tinanggal ko ang kanay nito pero hinigit na n'ya ako paupo sa bato na inuupan namin kanina lang.

Jusko! Yung kabang nararamdaman ko kanina pakiramdam ko dumoble!

"Dito na lang tayo. Madaming tao don. Hindi tayo makakapagusap ng maayos." Tahimik n'yang sabi.

Napayuko ako paa itago 'yung mukha ko.

Feeling ko nac-conscious ako sa itsura ko.

Hindi manlang ako nag lipstick, baka maputla ako. O di kaya malangis 'yung mukha ko. Nako! Nakakahiya.

"Ayos lang 'yan kahit wala kang makeup." Sabi nito.

Oh shet! Napalakas ata ang sabi ko!

"Bakit ba parang nahihiya ka sa'kin ngayon?" Tanong nito na agad ko namang ikinalingon sa kanya.

"H-hindi ah! B-bat naman ako mahihiya? Tagal tagal na nating magkasama. Sino namang nagsabing nahihiya ako sayo." Pagtanggi ko dito habang natatawa.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon