Chapter 61: Si Uwak ang Commander.
-SHIAN RAVEN LUNA-
"Galain na'tin 'yung don oh."
"Kakagala pa lang natin."
"Ang tamad mo naman!"
"Kakagala pa lang kasi natin. Hindi ka ba napapagod?"
"Nope. Kaya dali na." Parang batang pakiusap ni Hunt sa akin.
Kanina pa kaya kami paggala gala. Ang init init na nga sa balat, pero itong ulagang 'to ay parang hindi manlang tinatablan ng UV.
Napatayo naman ako nang paulit ulit nya akong hilahin. Napapadyak pa ako dahil sa inis.
"Oo na ito na."
Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa itinuturo n'ya pero nakita ko naman na puros mga lalaki 'yon.
Wala pang isang segundo nang patalikurin ako nito.
"Teka, akala ko ba doon tayo pupunta?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Sa iba na lang pala. I don't feel like going there." Sabay hatak naman nito sa akin papunta sa kabilang daan pero nagulat naman ako nang bigla akong ilihis ulit nito ang direksyon.
"Ano? Bakit? Anong meron don?" Anong ko at akmang lilingon nang hawakan nya ang magkabila kong pisngi.
"No don't look."
"Bakit ba? Teka nga, naaaning ka na ba?" Lilingon pa ulit sana ako nito nang kabigin ulit nito ang mukha ko.
Ano ba 'tong lalaking 'to? Sira ba 'to?
"Nilalagnat ka ba?" Kunot noong tanong ko.
Tinanggal ko ang kamay nya sa pisngi ko at lumingon sabtinitingnan nya at nakita ang grupo ng mga lalaki sa di kalayuan na nakatopless.
What?
Bigla tuloy akong nailang at nagulat nang sumugaw ito.
"I told you not to look."
"Hala tae maghubad ka din." Taranta kong sabi.
"What? Pinagsasabi mo?"
"Maghubad ka din kako. Magtopless ka din. Wag kang papatalo!" Sabi ko at hinawakan ang suot n'yang t-shirt.
Pinipigilan pa ako nito nang pandilatan ko sya ng mata.
Wala din namang nagawa kundi ang sumunod. Aangal pa sus.
Tiningnan kong muli ang mga grupo ng lalaki paa sana magyabang sa kanila pero imbis na matuwa ay nairita at nanggalaiti ako.
Paanong hindi e halos maglaway na ang mg babae dahil sa nakita nila.
"Magdamit ka ulit!"
"Huh? S-sabi mo maghubad ako-"
"Sabi ko magdamit ka ulit! Bilis! Magdamit ka!" Tapos timulungan ko pa sya sa pagdadamit nya na parang baa na kagagaling lang sa paglalaro.
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...