Chapter 53: Drowned

171 11 0
                                    

Chapter 53: Drowned

—SHIAN RAVEN LUNA—

"Asan na ba si Hunt? Malilintikan talaga sya sakin. Sinasabi ko talaga sa kanya hng!" Gigil much si ako.

Sabi n'ya oorder lang sya ng pagkain. Anuena? Wer na u? Kinain ka na ng pagkain?

Napairap ako bago tawagan si Hunt.

Pag ito hindi sumagot malintikan na talaga s'ya yari s'ya sa'kin.

Kaso halos malukot ang mukha ko nang maka ilang ring na pero hindi pa rin ito sumasagot sa akin. Nako ah.

Sige sige.

Frustrated man ako ay sinubukan ko ulit na tumawag sa kanya pero may narinig akong ring ng phone sa di kalayuan na katunog ng ring tone ni Hunt.

Lumingon ako sa gilid ng cafeteria at wala namang tao don kaya't naglakad lakad ako papalapit sa tunog at ganon na lang ang gulat ko nang tumambad sa akin ang mukha ni Hunt na hingal na hingal.

"Hoy! Saan ka galing? Sabi mo sa'kin bibili—H-hunt? Love! Ano yan?!" Napahawak ako sa bibig nang makita ang dumudugong kamao nito.

"Ah. Wala napaaway—"

"Ano ka ba naman." Dismayadong lumapit ako dito at pinunasan din ang labing dumudugo. "Saan ka ba kasi nagpunta? Ano ba! Sabi ko diba pag may reresbakan ka dapat kasama mo ako." Nakangiwi kong sabi.

Pinipigilan ang nagbabadyang luha sa mata dahil nasasaktan ako twing lalapat ang mata ko sa sugat n'ya.

Pero nagulat ako nang yumakap ito sa'kin at naramdaman ko ang bibig nito sa tenga ko.

"Love wag kang maingay... May nakapasok na kalaban sa Knights." Bulong nito na ikinalaki ng mata ko. "Wag kang tatawag, baka may nagmamatyag. Mag text ka lang. I-text mo silang lahat. Magkita tayong lahat sa Soccer Field, para hindi mahalata." At lumayo ito ng pagkakayakap sa akin bago ako halikan sa ulo.

Gusto kong magmura. Punyemas pero hanggang mental cursing lang ang magagawa ko.

"T-tara." Sabi ko sabay hawak sa kamay ni Hunt.

Kinuha ko ang phone sa bulsa at nagpunta sa contacts sabay group message at sinasabing magtungo sila sa Field.

Halos maluha ako nang maisip sila Zumi, si Kazuki at si Khalil. Kung si Hunt nga ay nagalusan. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin ng mga kalaban.

"Shh, everything will be alright. Wag kang umiyak Love. Okay silang lahat." Pilit na pagpapatahan ni Hunt sa akin kaya't napapikit na lang ako.

"Ewan ko Hunt. Hindi maganda ang pakiramdam ko." Pigil ang luhang sabi ko at naramdaman ko ang pagkabig nito sa'kin para pakalmahin ako.

Nakarating din kami ni Hunt sa Soccer Field at laking pasasalamat ko nang makita ko doon si Zumi. Nauna pa sa amin.

"Raven." Tawag nito sa akin na para bang kinakabahan din at mukhang nakatunog na ng mga nangyayari.

Ang mga estudyante dito sa loob ng campus, mapaibang school man o outsider ay hindi mo kakikitaan ng takot.

Dahil wala silang alam. Andito ang kalaban.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon