Chapter 21: I'm Fine Thank You.
-WYNNE KHALIL CY-
"Ito oh, dalandan."
"Masarap ba?"
"Hmfp! Masarap. San nyo nabili?"
"Meron nang tinda sa cafeteria. Kainin mo lahat yan ah." Sabi ni Kazuki na katabi ko.
Andito si Kazuki at Raven sa dorm. Kanina pa sila andito at sinasamahan akong kumain.
"Hindi nyo na naman ako kailangang bantayan-"
"Baka kasi maglaslas ka na." mahinang pagtawa ang pinakawalan ni Raven dahil sa sinabi nya.
Nagiwas ako ng tingin.
Kakabalik labg namin sa campus.
At kahit ano mang pilit ko na wag isipin yung pagtulak sa akin ni Zero kanina ay hinsi ko magawang magsawalang bahala. Hindi naman sa nagdadamdam ako. Para kasing pakiramdam ko, ako yung dapat na kinuha nung mga lalaking nakaitim at hindi si Casper.
Parang nakagawa ako ng kasalanan na hindi ko manlang alam.
Sa nakita ko sa video kanina ay hindi kay Casper papunta yung mga lalaki. Mukhang sakin...
Ano'ng balak nila?
Naalala ko yung sinabi ni Hunt kanina.
'Napansin ko kasi na may nakasunod kay Zero nung bitbit nya si Khalil. May mga dala silang baril.'
Nakasunod sila samin ni Zero? O baka naman sa akin lang nakasunod? Paniguradong ako ang pakay nila.
Nung una ay kasama pa ni Casper si Hunt kaya't nakalusot sila.
Pero hindi ko naman inaasahan na sa ikalawang pagkakataon ay haharang na naman si Casper para sa akin.
Hidni ko naman sigurado kung para sa akin ba o ano.
Pero sigurado akong sa akin nakasunod yung mga lalaking 'yon. Ako ang kailangan nila at hindi si Casper o si Hunter o sa kahit na sino man na nasa grupo.
"Hoy Khalil. Ano ba yan? Ang sabi ko wag mo na munang dibdibin yung nangyari kanina. Siguro ay masyado lang nag overreact si Zero." Nabalik naman ako sa huwisyo sa pagsasalita ni Kazuki.
Wala naman sa sarili napatango tango na lang ako sa kanilang dalawa habang binubuksan ang tatlong Royal in Can na nakalabas sa plastic at nakipagtagay sa kanila.
"Pero sigurado ka ba'ng okay lang yang likod mo? Tumama yan sa upuan kanina diba?" Nagaalalang sabi ni Raven sa akin.
"Ah oo naman okay lang ako." sabi ko sa kanilang dalawa pero para namang naghihinala sila sa sinabi ko kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Promise okay lang ako." sabi ko.
Pero hindi ko alam kung alin ba yung okay sa akin.
Yun bang likod ko dahil wala na naman talaga akong maramdaman. O ako mismo?
Hindi ko alam..
Hindi ko sigurado kung okay ako.
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...