Chapter 43: Out Of The Round
-WYNNE KHALIL CY-
1. • Octavians - 8/8
2. • Thorned Crowns - 4/10
3. • First Generation - 3/9
4. ° Armageddon - 15/15
5. ° Red Republic - 7/7
6. ° East Lane - 12/12Nakahinga ako nang malalim pero parang bigat na bigat pa rin ang dibdib ko (P.S. Kunyari nay dibdib na lang) dahil sa pagalintana ko sa taong nakayapos sa akin.
Like oh my goodness gracious! Yes yes yes! Nakakabading ang yakap ni fafa Zero! Achuchu. Chaerout langs.
So ayun, akala n'yo siguro ay malalaglag na ako sa bangin ng arena ano? Syempre hindi. Bida ako e. Ako pa papatayin n'yo. Maliban na lang kung ulikba ang author n'yo at naid pala akong patayin.
So ayun po, back to tatang aso tayo.
Hindi sya nagsasalita. Hula ko na naman ay galit s'ya sa'kin.
Kabilin-bilinan n'ya kasi na gumawa ng paraan para kahit papaano ay walang mawalan ng radius sa'min.
Para ba mang engot 'to. Feeling superhero. Akala naman n'ya ay magpapalaglag talaga ako. Ano ako shunga?
Ayan tuloy, parehas kaming nasa iisang radius. Nakakapagtaka nga at nagkasya kami ganong bilbilin sya. Char lang ulit. Sexy kaya ang isa'ng 'to.
Anyways. 15 ang radius pero 14 lang ang may laman habang anim naman ang nahulog.
Dahil 'yan sa nakayakap si Zero sa'kin at titig na titig sa nakakabighani kong kujha.
Aba walanjo ay gandang ganda na naman sa'kin ah.
Sa tuwa ko na rin siguro ay nginitian ko s'ya pero imbis na pagganti ng ngiti ay isang malutong na konyat ang nakuha ko sa kanya.
Ayos diba! Mahal na mahal ako.
Imbis tuloy na tingnan ulit s'ya ay sa score board na lang ako tumingin.
Tanging kami, Thorned Crowns at First Generation pa lang ang on game.
Ang Thorned na mayroon na lang apat na natitira out of ten habang ang First Gen na mayroong three out of nine.
Pansin ko na parang agapay na si Tyrone ng tingin kay Zumi habang panay tingin ng pasensya kay Aso.
Malamang ay nagagalit 'yan.
Alam na coach ni Zumi, hindi man lang iningatan.
Bigla akong nakaramdam ng something na mainit sa magkabila kong pisngi dahil mayroong pares ng kamay na humapit lalo sa katawan ko.
Para ba mang tanga! Alam na pang isang tao lang ang isang Radius tapos sisingit pa.
Pero nakahinga na din naman ako ng maluwag nang bumalik na ang stage ng arena at namuo na naman ang malaking bilog sa gitna.
Akmang aayos na ako ng pwesto para sa paghahanda nang may kamay na pumigil sa akin.
"Stop being numb. Could you please play a bit wiser?" Tapos sabay mura n'ya. Ayaw ko nang sabihin pa yung mura n'ya dahil hindi ako palamura. Gago mabait na ako.
#ChangeChangeChange
Hindi ko s'ya sinagot. Sa halip ay hinayaan ko na lang na hawak n'ya ang kamay ko. Alangan namang umalma ako. Aba enjoy na enjoy ako tapos bibitaw lang ako. Haler?
Naalarma ang lahat nang magingay ang mga buzzer na nasa mga pintuan ng tatlong natitirang grupo na nasa labas ng arena.
At wala pang ilang segundo nang sabay sabay na magbukas ang mga pintuan na ikinanganga ng lahat.
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...