Chapter 14:Da Lan Da Neun

259 18 0
                                    

Chapter 14: Da Lan Da Neun

-EZEKIEL ZERO LIM-

"How'd you get inside of the school premises? Mahigpit na ipinagbabawal dito ang mga outsider. And you're from... Silverton Academy right?" Asked I and gave him a bored look.

"Pinapasok ako ng dean dito dahil sinabi ko na kilala ako ng pamilya nila Khalil."

"And why should I believe you?"

"Kasi totoo naman ang sinasabi ko.

"And how can I be sure?"

"Aba malay ko sayo. Bakit ako ang tinatanong mo?" Sabi nya.

Muntik ko nang suntukin 'tong mukha ng butiking 'to kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko. Even Casper and Hunt, they're stopping me.

Napakapilosopo. Parang yung girlfriend nya.

"Tinurukan nyo na ba sya ng gamot?" Tanong nya and Kazuki nodded. "So alam nyo na pala." And then silence become to envelope inside the 4 corners of her room.

Yes, nasa loob kami ng dorm ni Kazuki at ni Khalil.

She's still unconscious after what happened. Matapos nga ng ilang minuto ay nasa harapan na agad namin ito'ng Von na nagpakilalang boyfriend ni Khalil.

For sure parehas na basag ulo 'tong dalawang 'to.

"You gotta go. Hindi ka pwedeng magtagal dito." Sabi ko pero bigla naman syang tumayo kaya't napaatras kami lalo pa nung ihinarang n'ya yung kamay nya sa pagmumukha ko.

"Bago 'yan, may dala akong mga gamot. Tutal alam n'yo na naman ang tungkol sa sakit ni Khalil-"

"We don't have any single idea what happened to her. Malay ko bang may sakit sya." Sabi ko saka tinabig ang kamay niya na nasa mukha ko.

"Eh ikaw, alam mo ba kung ano'ng sakit nya? Ang sabi sa'kin ni Khalil noong unang beses ko syang nakitang inatake, hindi daw matukoy yung sakit nya." Kazuki stated na ikinalingon naming lahat sa kanya.

So she's the one who knows...

Nakita ko ang pagupo nung Von. Taga Vondok.

"Hmm... Hanggang ngayon pinagaaralan parin ni dad yung sakit n'ya. Hindi namin matukoy kung ano eh. Pero may mga gamot sya. Hindi ba sya nakainom kanina?" Tanong nung butiki then tumikhim si Kazuki. She seemed so tensed.

"K-kanina nung nasa cafeteria tayo, binulungan ako ni Khalil na iinom lang s'ya ng gamot pero hindi ko na alam kung ano'ng nangyari, basta nagtatakbo na lang sya palayo-"

"Naabutan ko sya, tapos natapon yung mga gamot nya. Yun bang maraming capsule at tablet?" Singit naman ni Casper.

Okay? Mukha akong outcast dahil wala akong kaalam alam.

Our attention were focused on Kazuki and Casper. Mukha akong timang. Hindi ako masyadong makarelate.

But then I realized something.

Kaya ba nagtatakbo palabas si Khalil ng cafeteria? And she's shouting ng 'hindi sa'kin yan.'

And now I get it.

Nagtaas ako ng tingin and met everyone's gaze.

"Takot s'yang masabihan ng duwag kaya itinago n'ya." But before I've said those words ay naunahan na ako nung Von.

Edi wow, edi sya na.

"Uhm so ayun, pinapaalis na ako nito. Ito yung mga gamot n'ya. Sa ngayon ay kailangan nya ng mga magbabantay sa kanya." Bilin nya atsaka may hinugot na box na puno ng mga gamot na capsule at tablets na nakaseperate kada kulay.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon