Chapter 20: He's Gone.mp4
-WYNNE KHALIL CY-
"It's been 5 hours."
"Cap, magpahinga ka muna."
"No. Hindi tayo titigil. The knife has his blood on it! Paano ako titigil?!"
"Kumalma ka muna Ze. Walang magagawa yang pagpapanic mo."
"Tama si Raven bro. Keep your cool. Ligtas iyong gag%ng si Mesillo. Kailan pa napahamak yon."
"Are you really panicking?" tila naman tumalim ang tingin ni Hunt kay Zero dahil sa sinabi nito.
Kanina pa kami nagkakagulo sa paghahanap kay Casper.
Sinubukan naming tawagan yung phone nya at nalaman namin na naiwan nya sa van yung phone nya. Nowhere to be found ika nga ni Kazuki.
"H'wag mo akong umpisahan Ze." tila nainsulto si Hunt sa pangengwestyon ni Ze kanina.
Kahit naman ako ay ganon din ang magiging reaksyon ko. Si Zero kasi yung tipo ng tao na hindi maingat sa bibig nya.
"Fudge tama na nga yan! para kayong mga bata. Hindi nyo ba naisip na ang wawalang kwenta nyo sa pagaaway na ginagawa nyo." Pagaawat ni Tyrone sa dalawa na nagsasamaan na lang ng tingin.
Para namang high na high yung utak ko habang nakatingin sa puting tshirt ko na namantsahan ng dugo. Hindi ako sigurado kung kay Casper ba yung dugo na nasa kutsilyo o may gusto lang manakot samin.
Pero isa lang ang sigurado ko. Hindi magandang biro to.
Mabuti na nga lang at hindi masyadong nadumihan ang damit ko ng box na yun kanina kaya't fi naman halata na mantza to.
"Okay ka lang Khalil?" agad nanan akong nalingon kay Raven na malamya ang mukha.
"Oo naman. May dalandan ka?" pilit kong pagtatanong sa kanya.
Sa panahon ngayon ay mahirap nang madamayqn ng lungkot. Imbis na magmukmok ay mas maigi pang magbiro.
Tama silang lahat. Hindi nakakabuti kung magpanic kami at magwala na lang dahil sa nakita. Atsaka kung malalaman ni Casper na nagkakaganito kami ay baka pinagsasapak na kami nung unggoy na 'yon. Ayaw niya ng seryosong mood. Hindi man sya katulad ni Cade at Tyrone na maluluwag ang turnilyo sa utak ay hindi naman napayag si Casper ng malungkit na paligid.
Atsaka, isa pa. Si Casper 'yung unang nagwelcome ng matino sa'kin sa grupo.
Si Cade, nakaaway ko sa cafeteria. Si Ty naman ay nabugbog ko din at alam naman nating walang maganda sa amin ni Zero.
Si Hunter, si Raven, si Kazuki at si Casper lang ang matino tino sa paningin ko.
Kung hindi ko nga lang siguro kadorm itong si Kazuki at kaklase ko ang kapatid nya ay hindi ako pagtatyagaan nito.
"Naniniwala ka hang okay lang si Casper?" lutang kong tanong sa katabi'ng si Raven.
"Hmm... Hindi natin alam. Pero sigurado ako na kakayanin ni Casper kung nasaan man sya ngayon. Malay mo bumalik ulit sya bukas. Nakabik nga syakaninang umaga eh." pilit na pagpapalakas ni Raven sa loob.
Ang hirap kasing tingnan yung anggulo.
Hindi naman alam kung nasaan si Casper. Kung ligtas ba sya o nasa kamay sya ng mga taong gumawa sa kanya non.
Hindi namin alam kung may nagtatangka ba sa buhay ni Casper. O baka naman mayroon bang may hawak kay Casper.
Pero kung may nagtatangka nga sa buhay nya, sino at bakit?
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...