Chapter 25: A Few Information

263 16 0
                                    

Chapter 25:A Few Information

-WYNNE KHALIL CY-

"Trey! Anak ka ng tatay mo. Sinabi nang h'wag ka na maglikot."

"Mommy pow kase! I want daddy here to sleep."

"Hindi mo nga daddy 'yon-"

"Ah ah! Daddy Zewo nga kasi is my new daddy nga eh! I want to sleep with him eh!" Malakas na sigaw ni Trey na ngayon ay hindi na magkamayaw sa kakatalon sa kama.

Nayayamot na ako dahil halos isang oras na ang nakalipas mula nang magpaalam si Zero sa bata'ng 'to pero wala paring ganang manahimik dahil panay pangalan ng asungot ang binabaggit.

Kesyo daw gusto nya na dito matulog si Zero dqhil daw dadsy nya 'yon.

"Tsk. Trey Kyzhaun-este Kyrousse. Para ka'ng tatay mo eh. Ang tigas ng bungo. Cone here na nga sabi. Ito na milk mo oh." Pangungumbinsi ko dito at pilit na hinahatak papunta sa kama para patulugin na.

"I don't want na the miwk. I'm big na nga pow kase."

"Tsk. Edi magsleep ka na dito. Ipapakuha na kita sa mumu sige ka!"

"Eh Tywone and Cade naman is mukhang mumu kaya it's okay. I know na how to kick the mumu po." mayabang na sabi ng bata'ng 'to habang panay parin ang talon sa kung saan saang sulok ng kwarto'ng 'to.

"Kaya nga mag sleep na ikaw-"

"Eh pag andito si Daddy Zewo. I will sleep po." Nakangiti niyang sabi habang nagpupuppy eyes. Anak ng tinapa 'to.

"Hindi nga s'ya mag sleep dito. Doon daw sya magsleep sa mansion nila ah?" Pigil ang yamot na sabi ko sa kanya.

"Ed I will not sleep po-DADDY!" Bigla naman akong napatakip sa tenga nang sumigaw ng pagkalakas lakas si Trey with matching pagtalon talon pa papunta sa kung sino man ang nagbukas ng pinto.

Napabuntong hininga na lang ako bago sya iniwasan ng tingin. Mamaya kung ano ano na naman ang lumabas sa bibig nito. Pasmado pa man din ang bunganga nito kaya ako na ang magiingat.

"Akala ko ba ay sa inyo ka matutulog."

"Well, Tyrone called. They told me that there is a kutong lupa here. Inisip ko baka nagligalig." muntikna ako'ng mapairap ssinabi nya.

Tss, gustong gusto nyang nagpapalakas sa pamangkin ko.

Baka isipin nya nan na ayos na kami porket pinapayagan ko sya na makalapit sa akin. Sus, kung hindi dahil sa napakakulit ko'ng pamangkin ay hindi ko naman sya hahayaan na lumapit sa akin-

"Stop over thinking, slowpoke." Seryoso n'yang sabi na muntik na namang ikairap ng mata ko.

Maya maya lang ay nakita ko'ng buhat na n'ya si Trey na ngayon ay tahimik na nakasandal sa balikat nya at mukhang inaantok na kaya't iniabot ko yung gatas nya para makatulog na ito.

Ang arte talaga ng bata'ng 'to. Nung ako yung magpapatulog sa kanya ay sobra sobrang napagod ako tapos dadating lang ito'ng tukmol na 'to ay natahimik na agad sya.

Napaatras naman ako sa gulat nang may ihagis na Royal si Zero sa akin na syang ikinangiti ko. Kaso napansin ko na nakatingin s'ya sa'kin kaya't binawi ko rin agad ang ngiti ko.

Tsk, hindi ako ngumiti. Kunyari lang 'yon. Joke lang 'yon.

"Sige na. Tawagin na lang kita pag tulog na s'ya." bulong sa akin ni Zero kaya't wala na ako'ng nagawa kundi ang luambas ng kwarto at maghintay sa sala.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon