Chapter 42: The Radius

195 13 4
                                    

Chapter 42: The Radius

-WYNNE KHALIL CY-

"The Radius."

"Nasa pangatlong round na tayo."

"Mga hangal let's maintain the title."

"Ikaw lang hangal sa'tin h'wag kang ano."

"Hindi ah. Parehas kaya tayo."

"Ano'ng parehas ka d'yan."

"Parehas naman talaga."

"Oo nga parehas nga, ano ba'ng sabi ko-"

"Shut up please?" Mariing sabi ng Asong katabi ko.

Kanina pa 'yan hindi namamansin at puros pagtataray lang ang ginagawa. Hindi ko nga alam kung bakit. Baka siguro hindi n'ya kinaya 'yung mga banat ko kanina kaya't nabading na. Malay ko ba ano?

Baka mamaya nagtataray pala s'ya dahil nagkaroon s'yq ngayon kahit menopause na ang lolo n'yo.

Pero anyways, tama na ang usapang regla dahil medyo nandidiri na ako at naiimagine ko na ang mga dugo dugo. Err.

Matapos ng nangyari sa tapat ng girl's dorm kanina at iniwan ko s'ya don ay nawalan na ako ng pake sa kan'ya pero syempre joke lang 'yon dahil crush ko ang lolo n'yo.

Bale, nakarating din si Kazuki sa dorm namin habang si Raven at Zumi naman ay dumayo pa sa dorm room namin para kumain.

Hindi na nga kami nakakakain sa cafeteria tuwing dinner dahil gusto nila na ipinagluluto ko sila kaysa sa dumadayo pa kami. Kung hindi naman sa dorm ay sa HQ kami kumakain.

"Stop spacing out guys." Bigla naman akong naalimpungatan nang mariing tumahol 'yung katabi kong aso.

Parang may pinatatamaan talaga sya tapos bigla naman akong tinamaan sa kanya. Yieeee! Ay maharot!

Ngumiwi nalang ako bago pagmasdan ang scoreboard na nasa itaas ng arena.

Rank | Team Name
1. Octavians
2. Red Republic
3. Thorned Crowns
4. First Generation
5. Armageddon
6. East Lane
x. xxx

S

a ngayon ay kauna-unahan kami sa ranggo. Matapos nitong pangatlong round; The Radius. Hindi ko lang alam kung kami parin ba ang mauuna.

Kung papalarin oo, e mapalad sila kasi ako ang kateam nila. Edi ako talaga ang panalo, sigurado na 'yan.

"WELCOME PLAYERS. THE THIRD ROUND FOR THIS YEAR'S ANNUAL IFBDS IS THE RADIUS. AREN'T YOU GUYS READY?" at sa isang tanong lamang na 'yon ay nagsidaggungdungan na ang stage at ang buong arena.

Lanjo. Ang ingay.

"Kinakabahan ka bruha?" Biglang tanong ng katabi kong si Raven.

"Hindi, at bakit naman ako kakabahan? Mukha bang mamamatay agad ako? Masamang damo ako aber. Matagal pa ang life span ko." Kampante kong sabi bago sya binigyan ng mabagsik na hair flip.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon