Chapter 41: You Got Me Oranges
-WYNNE KHALIL CY-
Lahat ng malapit sa kinaroroonan ng mga taga Red Republic ay sobrang napuruhan sa isang maliit na sigarilyo lang.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakarecover.
Kaya kinuha ko naman ang pagkakataong 'yon para tanggalin ang magazine ng bala na hawak ko at tinaggal ang laman nito.
Kamalas malasan nga lang at pipitong bala lang ang nakareload sa baril.
Wala na akong sinayang na oras at agad na inabot sa kanila ang mga bala na pareparehas na gulat sa nakitang pagsabog.
Mukhang hindi din nila inaasahan na ganon ang gagawin ko. Nang mailagay na nila ang mga bala sa kanilang magazine ay agad agad din kaming pumusisyon at sabay sabay ja nagkasa ng baril.
Pansin ko ang pagkagat ni Zumi sa pangibabang labi n'ya. Unang laro n'ya nga pala 'to kaya paniguradong kabado s'ya.
Napangisi na lang ako.
Katulad ng sinabi ko kanina ay bahagyang tinatakpan ni Kazuki at Tyrone si Zumi.
Rinig ko ang wagas na pagmumura ng mga taga Red Republiv habang pinipilut na bumangon.
Masakit pa man din sa katawan 'yung Seismic wave bomb na 'yon. Kung dati ay 10 meter radius lang ang lawak ng pjnsala na nagagawa nito, ngayon ay 15 meter radius na dahil inayos ni Zumi 'to.
Mukhang hindi nga nila napansin ang ginawa ko kaninang pagbibigay ng bala sa mga kasamahan ko dahil nakataob sa kanila ang mesang bakal.
Grabeng susupot naman talaga ng mga 'to ano? Libre lang naman ang patuli sa barangay noon, bakit hindi pa sila pumunta? Sabagay, mga duwag nga naman ang mga 'to. Baka imbis na humarap sa doktor na puputol o magtatasa ng kanilang ulo e nagtago pa sila sa panty ng nanay nila. Hays. Si Aso kaya, nagpunta sa barangay nila dati? I wonder.
Naningkit ang mata ko bago higpitan ang kapit sa baril kong walang laman.
Paintense lang ganon.
Kunyari pa'y inaasinta ko 'yung Team Captain nila na masama ang tingin sa akin.
Makatingin ng masama, akala mo naman ay gwapo. Eh walang tatalo sa kagwapuhang taglay ni Aso ko. Kaya kaht pa dumugo na ang mata n'ya kakatingin ng masama sa akin ay pangit parin s'ya.
"Stop smiling. Focus, you stupid." Tapos nagulat naman ako nang may biglang Aso'ng nagsalita sa utak ko.
Jusko, abot hanggang utak ko ang boses ah. Pero in fairness ah. Kahit sa utak, gwapo parin ang boses n'ya.
Napangiwi naman ako bigla. Lalo na nang makita kong tutukan na ako ng baril ng Team Cap nila na nakabangon na din.
Ano ba naman 'yan.
Hikahos na hikahos na ang mga miyembro nila habang kami. Eto, tamang pila lang sa kabilang side ng lamesa puros mga gwapo't magaganda pa.
Bigla namang nagpaputok ng baril 'yong Vice Cap nila pero dahil supot s'ya ay walang lumabas dito.
"Hay nako." Natatawang sambit ni Hunt na bigla na lang itinutok sa balikat noong babaeng miyembro ng Red Republic ang baril.
The moment na lumabas ang bala sa baril ni Hunt ay magkakagulo na.
Iisipin ng mga taga Red Republic na nasa s'ya ang nakakuha ng baril na may bala lung sa katunayan lang ay lahat naman kami ay may bala. Maliban na lang sa'kin.
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...