Chapter 31: Black On Black

188 12 0
                                    

Chapter 31: Black On Black

-WYNNE KHALIL CY-

"Khalil! Oh my gosh! Kailangan na kitang dalhin sa infirmary-"

"Ayoko. Hahanapin ko 'yung lalaki-"

"Khalila! Pupunta ka sa infirmary."

"Sabi'ng ayaw ko. Wala namang masakit sa'kin."

"Pero may tumutulong dugo d'yan sa pisngi mo!"

"Pahinging panyo."

"Ano'ng gagawin mo."

"Gaga, edi ipangtatapal sa pisngi."

"Kung kasi pumupunta tayo sa infirmary diba? O kaya tawagan natin sila Ty." at dahil sa sinabi ni Zumi ay napairap ako.

"Wala kang sasabihin sa kanila." banta ko. "Kailangan nating hanapin 'yung lalaki." Matigas kong sabi.

Madaming alam 'yung lalaking nakausap ko.

Matapos ko s'yang tulungan ay tinakasan n'ya lang ako. Hindi man lang s'ya nagpakilala-pero malakas ang pakiramdam ko na nakasalamuha ko na s'ya. Yung boses n'ya.

Kilalang kilala ko 'yon at hidni ako pwedeng magkamali don.

"Kailangan ko'ng hanapin 'yung lalaki. Kanina ba nung naabutan mo ako don ay may nakita kang kasama kong lalaki?" tanong ko habang pinupunasan ang pisngi ko.

Ni hindi ko manlang maramdaman yung kirot. Ang unfair. Hindi ko maranasan ang masaktan.

"Hindi e. Ikaw na lang kasi ang naabutan ko kanina." Sabi n'ya. "Teka, b-bakit nga pala nagdudugo 'yang pisngi mo?" Tanong n'ya.

"Mayron kasing nakapasok sa school at tinangkang barilin yung-" natigil ako sa pagsasalita nang maalala 'yung taong may hawak ng sniper. "Zumi may nakapasok sa school... Tawagan mo sila!"

Halos mataranta si Zumi sa sigaw ko'ng 'yon habang napapatakbong napapunta sa kanya kanya nilang classroom.

Pero nang mapagtanto kong naiwan ko si Zumi ay agad ko itong binalikan at hinila paalis doon.

Paniguradong hindi pa nakakaalis ng school grounds 'yung taong nagtangkang batilin 'yung lalaking kausap ko.

Nakakasigurado ako don.

Tumakbo ako papunta sa building na kinatatayuan ng lalaki kanina pero naharang ako ng isang bulto ng mga estudyante na papalabas ng classroom. Malas!

"Sa kabila tayo. Bilisan mo, tawagan mo sila." nagmamadali kong sabi kay Zumi an ngayon ay tinatawagan na ang iba. "Sabihin mo sa cafe magkita. Ngayon na, mag cutting na sila kung ayaw nilang pasabugin ko 'yung school."

Umikot ako papunta sa kabilang daanan pero wala na akong ibang makita. Ang ibang estudyante naman ay nasa loob ng classroom.

Kung andito pa s'ya ay nasisiguro kong mararamdaman ko s'ya. Naglakad ako ng dahan dahan habang hawak pa rin ang kamay ni Zumi na ngayon ay mahinang tumatawag sa kanila.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon