Chapter 27: He's Really Gone; Day One
-WYNNE KHALIL CY-
"Ty, drive the car. Hunt, tawagan mo si lolo. Tell him everything. Raven, si Kazuki tabihan mo. Cade, ikaw na bahala kay Trey. Hey, does it still hurts?" Taranta n'yang tanong na para ba'ng ano'ng iras ay may mangyayari sa amin.
"H'wag ka'ng magpanic.." bulong ko kaso makailang segundo lang ay napakapit ako ng mahigpit sa manggas ng damit n'ya nang maramdaman ang humihilab na kirot sa may bandang puson ko.
Malas, ngayon pa sumabay kung kailan paalis na kami.
Matapos naming matanggap ni Zero ang tawag ay nagmamadali kami'ng tumawag sa lima para sabihin ang nangyari.
Gaya ng dati ay sa ipinagbabawal na gubat ng Knights kami dumaan. At hanggang ngayon ay dala dala namin si Trey.
Bakas mo ang takot at pangamba sa mukha ng bawat isa nang malaman ang balita kanina. Si Tyrone ay nangangatal, si Cade naman ay napapakagat na lang sa daliri n'ya. Di Raven halos hindi na mapakali at nangangatog din. Ang kinakaawaan ko ng sobra ay si Kazuki na hindi manlang makakilos at nakatulala na lang. At kahit ang tapang ni Hunt ay hidni mo makita ngayon.
Si Zero?
Hindi na ako binitawan.
"Ze, okay na akouchhhh~ Charot, ang sakit pala."
"Hey, you fine? Masakit pa ba? Where? Where does-"
"Hoy, huminga ka nga ng malalim. Parang dinaig ko pa ang nabaril." pagbibiro ko.
Ako? kamusta?
Okay na okay ako dahil hindi ako naniniwala sa narinig ko'ng ibinalita ni Zero. Imposibleng si Casper 'yong hawak ng pulisya ngayon dahil alam ko'ng makakatakas at makakaligtas si Casper. Hindi s'ya mamamatay na lang ng ganon kabilis.
Napapikit ako ng mariin bago yakapin ang sarili pero halos manigas naman ako sa kinauupuan ko nang yakapin ako ni Zero at inihilig ang baba n'ya sa ulo ko.
"I... I don't know what to do. If ever na si Casper nga 'yon... I can't afford to lose a friend. Not again." nanghihina n'yang bulong.
Sinubukan ko'ng yumakap kay Zero para kahit papaano ay maibsan manlang ang kaba na parehas naming nararamdaman. Kaba na ang dahilan ay isa sa mga naging kaibigan ko.
。。。
"Malapit na tayo." Agad ako'ng napabangon sa sinabi ni Zero. "Nakatulog ka ba?" tanong n'ya na ikinailing ko. Hindi ako natulog dahil hindi ko magawang matulog sa itinagal tagal ng byahe.
Napakapit ako ng mahigpit sa tshirt ko. Hindi dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kundi dahil sa panginginig ng kamay ko.
"Zero..." pagtawag ko sa kanya. Hinawakan ko 'yung pisngi nya. Hindi ko alam kung ano ang madadatnan namin sa loob. "Zero, sorry. Kung hindi dahil sa akin. Siguro... siguro hindi kayo nahihirapan-"
"Khalil. No pain no gain. We're a team here. Kasalanan 'yan ng leader natin dahil hindi n'ya kayo naingatan. Sino ba 'yang bobo n'yong leader?" Tanong n'ya na ikinakunot ng noo ko.
"Uto! Di ka bobo."
"Andito na tayo." Lahat kami ay napalingon kay Hunt nang sabihin n'ya 'yon.
Huminto ang van at pare parehas kami'ng nagsibabaan ng sasakyan.
Kada yapak, doble kaba. Hindi kami mapalagay. Nagdadasal na sana hindi nga si Casper ang sinasabi ng pulis na nakuha nila. Pilit ko'ng sinasabi sa sarili na hindi nga s'ya ang nakuha ng mga pulis. Ngayon... Hindi na ako sigurado sa madadatnan namin.
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...