Chapter 10: CLOSE it, LOCK her

271 17 0
                                    

Chapter 10: CLOSE it, LOCK her

-WYNNE KHALIL CY-

"P-putek, aray." Napahawak ako sa bibig nang makita si Zero na nakahawak sa ulo habang nakaluhod.

"Ay sorry, askal! Akala ko ba nama'y maligno. Ano ba kasing ginagawa mo dyan-" Natigil ako sa pagsasalita at napatingin sa may balkonahe ko. Bukas...

Agaran ko'ng hinigit si Zero papasok ng walk in closet at inipod lahat ng damit para magkasya kaming parehas.

Hindi na ako nag-atubili pa saka isinarado yung closet.

Akmang magsasalita pa si Zero nang iharang ko yung palad ko sa bibig nya.

Pinanlakihan ko ito ng mata.

Bagamat may kadiliman sa loob ng closet ay kita ko pa rin naman ang mukha n'ya dahil may ilaw ang kwarto ko at nasisinagan parin kami sa maliliit na butas na meron sa closet.

Napabuga ako ng malalim.

Nagbilang ako ng 10. Sampung apak..

Dalawa sila. Papalapit.

Kita ko naman ang pagpikit ni Zero ng mariin. Saka ko lang napagtanto'ng nasa bibig pa rin nya ang palad ko kaya't tinaggal ko agad ito.

Kadiri. Germ people. Baka mamaya puro mikrobyo na yung kamay ko dahil sa kanya.

Lumapit ako ng konti sa saraduhan ng closet kung saan may maliliit na butas para makita mo kung ano ang nasa labas.

Napapikit na lang ako atsaka sinamaan ng tingin si Zero.

"Bakit ba kasi nasa dorm kita?" Inis ko'ng bulong sa kanya na masama ding nakatingin sa'kin.

Pero napausod naman ako ng bigla papalapit sa kanya nang muntik ko nang madanggil yung box ng sapatos na nasa likod ko. Takte ang sikip.

Bale ang pwesto tuloy namin ay nakaharang ang magkabilang kamay ko sa sinasandalan ni Zero kaya mukhang nakayakap ako sa aso. Habang sya naman ay nakatuon ang isang kamay sa sandalan na nasa likod ko para hindi sya matumba. Nakatungo pa nga sya ng konti dahil matangangkad ito at pwede syang mauntog.

Para tuloy kaming magkayakap nito nakakainis.

Sumilip ako ng bahagya sa maliit na butas na nasa closet at nakita ang dalawang lalaki na mukhang nasa mid-30's lang at kapapasok pa lang sa kwarto ko gamit ang balkonahe.

Malapit kasi sa puno yung kwarto namin ni Kazuki kaya pwede kang makapasok sa balkonahe kung aakyat ka sa puno.

"Kilala mo?" Bulong ko sa kanya na ngayon ay napapatungo na lang sa isang sulok na para bang may iniiwasan.

"Wag ka na maingay." Saway naman nya.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagkabanas nang mangalay ang binti ko. Gusto kong umupo bwisit. Nakakangalay to.

Halos limang minuto na ata dito yung dalawa at mukhang may hinahanap sila sa kwarto ko.

Paniguradong pinagtataguan ni Zero 'to.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon