Chapter 33: Rapunzel No More

201 12 0
                                    

Chapter 33: Rapunzel No More

-KAZUMI HIRUKAWA TAMARA-

"Para saan pa at isinali ka sa grupo? Nak ka naman ng pupu! Susuntukin mo lang 'yung putek na punching bag Hirukawa. Susuntukin lang utang na loob."

Napayuko ako sa malakas na sigaw na natanggap kay Ty.

Bakit ba ang sungit sungit n'ya sa'kin? Hindi naman suguro ako isasabak sa laban. Siguro naman ay tagagawa lang ako ng mga armas nila pero bakillt kailangan pa akong itrain?

Matapos kasi nung meeting kahapon ay dumeretso na agad ako sa headquarters para daw maumpisahan na 'yung training.

Napatitig ako sa kuko ko at makailang beses na kinutkot dahil sa takot na hindi ko kaya'ng tingnan 'yung mata n'ya. Galit na galit s'ya sa'kin dahil 'yung simplng punching bag lang ay nasasaktan na ako.

Sino nga namang tanga ang isasali sa Dark Society na napakalampa.

"Hoy Hirukawa? Iniiyak mo d'yan? Ang sabi ko suntukin mo 'yung mo punching bag putangina tatama ba 'yang luha mo sa punching bag? Nakakasuntok ba 'yan?" Sarkastiko n'yang sabi.

Umiyak na pala ako.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko para hindi ko maipakita sa kan'ya na naiiyak ako... Kaso nakita na pala n'ya.

"Putcha, bukas na nga lang ulit! Nakakayamot ka'ng turuan." Inis n'yang sabi bago dinampit ang twalya at bag n'ya na nasa may upuan. "Siguraduhin mong bukas ay kaya mo nang suntukin 'yang punching bag kapag talaga hindi mo parin nagawa, ikaw na ang susuntukin ko." Huli n'yang sabi bago ako iwan sa training room.

Tahimik akong napa-indian sit sa training mat at tingnan ang kamao ko na ngayon ay namumula na.

Sinuntok ko naman 'yung punching bag ah?

Kaso 'di nga lang gumalaw.

Paano pa kaya ako sasabak sa IFBDS na sinasabi nila kung ni sumuntok lang ay 'di ko pa magawa.

Mapait ako'ng napangiti bago lumabas ng training room.

。。。

"Ang galing, ang galing galing mo talaga..." mahinahon n'yang sabi habang napapapalakpak pa nang magulat ako sa sigaw n'ya. "PUTANGINA HIRUKAWA, SABI KO IKASA 'YUNG BARIL. HINDI IHAGIS! TANGA KA BA? O TANGA KA LANG?" napahawak ako sa tainga nang halos mabingi na ako sa kanya.

"H-hindi ko kasi alam kung p-paano bumaril eh." Pagdadahialn ko na s'ya naman tama dahil hindi talaga ako marunong bumaril.

Ano'ng aasahan mo sa'kin eh buong buhay ko ay ngayon pa lang ako nakahawak ng baril.

Atsaka... Grabe s'ya, grabe n'ya ako'ng murahin.

"Ikasa mo 'yang hawak mo." Seryoso n'yang sabi kaya't maang na tiningnan ko 'to dahil hindi ko narinig 'yung sainabi n'ya. "SABI NANG IKASA 'YUNG BARIL! TANGA NA BINGI PA!" Sa gulat ko ay nanginginig ang kamay na sinubukan ko'ng ikasa 'yung baril pero hindi ko naman maikasa 'to dahil masyadong mabigat at maganit 'yung baril.

Hala, paano 'ko ikakasa 'to?

Nagulat naman ako nang may humablot sa hawak ko'ng barili at mas mabilis pa sa isang kisapmata n'yang ikinasa ang baril at marahas na hinila ang kamay ko at halos masubsob 'yung mukha ko sa mukha n'ya.

"Hirukawa binabalaan kita... Kung hindi mo kaya'ng bumaril mauunahan ka. Kung hindi ka marunong sumuntok mabubugbog ka. Kung tanga ka sa loob ng arena hindi ka na makakalabas ng buhay. Naiintindihan mo ba 'ko?" Halos mangilabot ako nang mata sa mata n'yang sabihin 'yon sa'kin.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon