Chapter 11: You Get The Wrong Idea Guys

273 18 0
                                    

Chapter 11: You Get The Wrong Idea Guys

-WYNNE KHALIL CY-

"Grabe pre, pawis mo naman!"

"Arte nito!"

"Oy mga der der! Asan na libre ko akala ko ba kapag naka homerun ito'ng si Kiba ay may libre ako?"

"Grabe! Pinagpustahan pala ako! Ano'ng akala mo sakin, di makakahome run?!"

"Oo lampa ka eh."

"Ah ganon, dito ka!"

"Oy ang kukulit nyo."

"Oy ang gugulo nyo."

"Gaya gaya."

"Grabe ang dudugyot na ang iingay pa."

"Pataaaaay, depressed na si Cap."

Napapikit ako ng mariin nang marinig na ang tuluyan pagpasok nila sa locker's room.

Napatungo tuloy ako pero napagtanto kong may kita yung mga paa namin!

Baka mamaya ay magtaka sila kung bakit dala ang paa na nasa cubicle!

Tinapik tapik ko si Zero na ngayon ay masamang tingin ang ipinupukol sa akin.

"Hoy askal buhatin mo ko.." Bulong ko sa kanya. Mahirap na at baka marimig kami dito.

Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay nya at sng panlalaki ng mata.

"At bakit?" Napahawak naman ako sa sintido dahil hindi nya ako maintindihan.

Mahina ako'ng napadabog dahil sa inis. Saka ko itinuro yung paa ko kaya't nanlaki naman ang mata nya.

Hay, ang slow.

Nagulat naman ako nang umupo si Zero sa taas ng bowl na nakasara tapos hinigit nya ako kaya't napaupo ako sa kanya.

Hay nakakainis.

Napakamot ako sa batok nang mapahikab ako kaya't tinakpan ko ang bibig ko.

Nag-shh naman si Zero sa'kin.

Nagtaka naman ako nang makitang namumula yung leeg at tenga ni Zero.

"Okay ka lang?" Tanong ko dito at mukhang bumalik naman sya sa ulirat.

Bale ayun, ang sama ng pwesto namin dahil itanggi ko man ay nakakandong ako sa kanya habang nakapatong ang paa ko sa may bandang tuhod nya, kaya mukhang nakabaluktot ako habang inaalalayan naman nya ako sa bewang para hindi mahulog atsaka nakakapit ako sa leeg nya. Kaya parang nakaakbay ako. Gets mo? Kung hindi bahala ka, ang hirap magpaliwanag epal ka.

Kung bridal style kasi ay hindi namin kakayanin. I mean sya lang pala ang mahihirapan dahil sya lang ang magbubuhat sakin.

Kung nakapiggy back ride naman ay makikita ako dahil masyadong matangkad tong si Zero.

"Penge ng pabango pre."

"Di ka pa naman nakaligo ah."

"Wala lang, sisinghutin ko lang." Narinig ko naman ang pagiingay nila mula sa labas ng cubicle.

Napapikit ako ng mariin.

"Ang tagal nila maligo." Inis kong bulong kay Zero. "Oy, namumula ka. May lagnat ka ba?"

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon