Chapter 12: 1, 2, 3, Attack

272 20 0
                                    

Chapter 12: 1, 2, 3... Attack

-WYNNE KHALIL CY-

Napapikit na lamang ako ng mariin nang mapansin ang mabibigat na titig na ipinupukol ng lima sa amin.

"Wag nga kayo'ng tumingin ng ganyan." Babala ko pero pinanlakihan lang ako ni Kazuki ng mata.

Grabe, kwago ba 'to? O nahawa lang kay Zero?

Atsaka sa pagkakaalala ko ay wala naman kaming ginawang masama ni Zero. Diba?

"Aalis na ako, nagugutom na ako. I need Dalandan-"

"Umupo ka dyan, Khalil. Magtutuos tayo'ng lahat dito." Tapos pinanlakihan naman ako ni Raven ng mata.

Okay, magingat po tayong lahat. Laganap na ang Kwago Disease. Huwag hayaang mainvade ng sakit na ito ang katawan nyo. Lumayo na sa lalaking nagngangalang Ezekiel Zero Lim, alyas 'BoyKwagoPeroAskalNamanTalaga' at magingat sa araw araw. Salamat po.

"Magpaliwanag kayo." Sabi ni Casper habang nakapamewang na nakatayo sa tabi ni Raven.

"Bagay kayo ni Raven-"

"Umayos ka Khalil."

"Maayos naman ako ah." Sagot ko kay Kazuki na nagtataray.

Si Cade at Tyrone ay hindi na nagawa pang magsalita at nanatiling nakanganga lang.

"Ano'mg nangyari sa inyo?" Tanong ni Hunter nang nakataas ang magkabilang kilay. Habang ito namang askal na katabi ko ay napapasabunot na lang sa ulo nya.

"May kuto ka? Ayan si Cade oh, magpakuto ka. Unggoy naman 'yan." Sabi ko.

"Hoy sinong unggoy?!" Galit na tanong ni Cade.

"Ikaw, diba umakyat kayo sa puno noon at nakipagshoalin session sa'kin pero natalo ko kayo." Sabi ko.

"Ano nga sabing nangyari sa inyo?" Paguulot ni Hunter sa tanong at inilagay ang kamay sa dibdib.

Nagpalipat lipat ang tingin nila sa aming dalawa ni Zero na ikinataas ko ng kilay.

"No Dalandan, No Answer policy tayo." Nakangiti kong sabi na ikinangiwi nila.

Tiba tiba ako nito.

Napailing naman si Hunt saka dumukwang sa table at ihinagis ang isang ponkan.

"Bakit nasa Locker Room kayo ng Baseball Team?" Tanong din ni Hunter nang masalo ko ang ponkan na ihinagis nya.

"Si Zero ang tanungin nyo." Sabi ko saka nagbalat ng beloved ponkan ko.

"Si Mario atsaka si Gerald. Hinahabol ako kanina pang umaga." Pikit mata at nakasabunot na sabi ni Zero.

"Ba't ka naman hinahabol-"

"Ops ops, limited lang ang sagot na makukuha nyo for now." Sabay lahad ko ng kamay at may ihinagis naman na Dalandan si Casper.

Ayun! Mas madami daming info na ang makukuha nyo dahil mas malaki na sa ponkan ang suhol na ibinigay nyo.

Pansin ko naman ang matatalim na tingin na ipinupukol nilang lahat sa'ki. Why? Wala naman akong ginawa ah.

"Kagabi, I didn't sleep at my dorm. Lolo asked me kung pwede'ng sa may mansion ako matulog. So did I. Pero hindi ako makatulog, of course insomnia attacks. Then naggala ako kagabi but I saw someone strange at the mansion garden so I grab the nearest thing na nadampot ko. Atsaka pinalo k-"

"Okaaaaay, naka 5 sentence ka na, eh limang piraso lang yung laman ng dalanda-"

"Oh! Ayan na! Grabe pabitin!" Tapos ayung sinamaan na naman nila ako ng tingin? Why? Negosyo lang yan mga dre. Isang laman ng dalandan, isang sentence. Isang ponkan, isang summary lang. Ganon! Ganon dapat.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon