Chapter 19: Black Box
-WYNNE KHALIL CY-
"What the freaking freak man! Bakit mo ako sinuntok?"
"Cause I'm not the freak here you freaking ghost!"
"Nakakainis! Hindi nga ako nasuntok ng mga taga Silverton, sinuntok mo naman ako."
"Shut you mouth Mesillo. Nayayamot ako sayo."
Napahawak na lang ako sa ilong ko nang maabutan ang bangayan ni Casper at Zero sa may sala.
"Kazuki penge nga ng tubig." At nang iabot na ni Kazuki sa akin ang tubig na malamig ay tinungga ko lahat 'yon atsaka bumaba sa hagdan at umakyat sa couch sabay...
...
...
...
"Owww... Good job Khalil." bati ni Raven nang bugahan ko si Casper at Zero ng malamig na tubig na uminit na dahil sa bunganga ko galing.
Oo, nakarating na si Casper. Pagkagising ko ay nasa sala na si Casper. Habang ito namang si Ze ay hindi naman nagising kaya't nagfreak out sya nang salubungin sya nitong si Casper sa may salas.
Ayos diba? Parang askal na natatarabta. May pa-freak freak pang nalalaman eh sya naman ang freak.
Habang nakatungtong parin ako sa couch ay nakita ko ang pagkatulala ni Casper at ang pagsama ng tingin sa akin ni Zero.
"Bakit? ano'ng ginawa ko?" Nakangiti kong tanong.
"Wala ka namang ginawa Khalil. Wala naman." sagot ni Casper habang mukhang ewan na banat na banat ang bibig sa magkabilang pisngi na tila pa napipilutang ngumiti.
Kaya't ngumiti ako at bumaba sa couch matapos tapikin yung balikat nilang dalawa.
"Ano'ng gusto nyo'ng pagkain?" tanong ko sa kanila at dali dali namang sumunod si Cade, Ty, Kazuki, Raven, at Hunt sa akin sa kusina.
Kaso pagbukas ko ng fridge ay wala itong laman maliban sa isang dosenang itlog, dalawang bawang, tatlong puting sibuyas at limang kamatis.
"Ito lang ang laman ng ref?"
"Oo, di pa kami nakakapag grocery eh." sagot ni Ty habang nagaayos ng mga upuan.
"Pwede namang maggrocery pagkatapos nating kumain."-Hunt
"Ano, game?" -Cade.
"Game!" -Kazuki at Raven.
"Call!" sigaw ko sabay labas ng mga iluluto.
Hinanda ko na ang mga sibuyas at ang mga kamatis.
Hinanap ko naman ang frying pan at ang syanse.
"Teka nga Khalil. Nagluluto ka ba? Mamaya lumiyab ang buong gubat!" parang timang na sabi ni Cade na akala mo naman ay susunugin ko ang buong safe house.
"Hoy excuses sayo Cade. Just watch! and learn from the expert! Kung yung instant noodles nga nya ay lalong sumarap ano pa kaya yang itlog." Depensa ni Kazuki.
Well, ka-dorm mate ko lang naman si Kazuki at makailang beses na syang nakatikim ng mga luto ko kasama ng kambal nya.
Napailing na lang ako atsaka nagsimulang magluto.
。。。
"WAAAAAAHHHHHH!"
"WHOOOOOOOOO."
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...