Chapter 65: Ate ni Dalandan be Sailing
-WYNNONA KHARIL CY-
"Yo ate! How's kamusta being your alone? Is it masayang fun? Don't yah? Don't yah? Don't yah wish your boyfriend was hot like me? Kung ikaw ay malungkot if your alone! Bumili ng mineral water from me! Limang daan isa."
"Ang mahal naman."
"Sa panahon ngayon mahal na lahat ate. Ikaw na lang ang hindi."
Agad na napaarko ang kilay ko dahil sa sinabi ng bata.
Aba. Marunong mang insulto, magbebenta na lang may kasama pang lait.
"Sige na 'te, bili ka na ng tubig. Isa na lang 'to oh." Sabi nito habang hawak ang basket na may lamang isang mineral water.
"Sha sha, sige. Bibilhin ko na 'yan." Sabi ko sabay abot ng isang libo.
"Keep the change ba ate?"
Aba't talaga namang!
"Sige oo, keep the change na lang. Bahala ka."
"Nga pala ate, bugbog sarado 'yung forever mo." Huli nitong sabi.
"W-wait teka, sino'ng forever?"
"As you see nakikita, isa akong the one na mangkukulam witch sa aking past nakaraang life." Huling sabi nito bago tuluyan nang umalis.
Napailing na lang ako.
Di bale na, ket nalagasan ako ng isang libo. Ke bata bata pa lang, negosyante na.
Napailing na lang ako bago makarinig ng dagungdong sa si kalayuan.
Puros mga speaker, lightings at stage ang nandoon.
Mukhang may night band.
Siguro maguumpisa na din 'yon maya maya dahil malapit nang maggabi.
Hindi naman kalayuan 'yung event sa hotel pero paniguradong ako lang ang manonood. Well, kung manonood ang magpipinsang numbers ay may makakasama ako.
Pero malabong makijam ako sa mga 'yon. Isa, puros sila mga lalaki, pangalawa, nakakaOP sila dahil magpipinsan sila.
Napabuntong hininga na lang ako bago maglakad patungo sa resto bar na katabi ng event.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang amoy ng iba't ibang klase ng alak.
Although wala namang mga dirty old man dahil puro foreigner naman ang naandito.
Kadalasan may kasamang boyfriend/girlfriend o di kaya'y naghahanap ng kasama.
Agad akong dumeretso sa bar na may high chair at umorder ng drinks.
"Peach Lemonade."
"May idadagdag po mam?"
"Lagyan mo ng konting whisky tapos isang can ng Royal."
Agad naman akong nagabot ng pera.
Habang hinihintay ko na magmix si kuya ay napalingon na lang ako sa lalaking nakabusangot. Isang upuan ang pagitan namin at kitang kita ko kung gaano kasama ang tingin nito sa kahit saan.
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...