Chapter 7: Official Ranking of the Phantom 15

308 22 0
                                    

Chapter 7: Official Ranking of the Phantom 15

-WYNNE KHALIL CY-

"Hindi ako si Goblin, si Mateo Do ako."

Sinamaan ko ng tingin si Raven dahil sa sinabi nya.

"Kaduwa ka. Kala ko kung sino."

"Mamaya magsalita yan si Ze, lintik tayo. Masyado ka makatitig, parang nahuhumaling ka-"

"Dyan sa askal na yan? Kadiri ka." Padiri kong siring na ikinahalakhak ni Raven. "Sige tawa pa, magising si Zero. Banatan ka pa."

"Baka kamo banatan tayong dalawa." Tapos sinipa nya ako sa pwet kaya hinabol ko sya at binato ng dalandan.

"Bum sapul."

。。。

"Nakakainis ka Khalil, hinanap kita kahapon. Saan ka ba dinala ni Pres."

"Wala naman. Kinausap lang ako kung gaano daw sila naiinis sa'kin.

"Grabe, inabot ka na ng gabi. Muntik pa ako'ng maligaw sa gubat ng campus." Exaggerated na sabi ni Zumi habang nagkekwento.

Aga'ng aga ay nasa dorm agad s'ya at nambubulabog.

Sa Headquarters natulog si Kazuki at ang iba sa mga Octavians dahil puros mga may galos pa sila.

Panigurado'ng magtataka si Zumi kapag nakita nya si Kazuki na puro pasa sa mukha. Ang alam pa naman ni Zumi ay hindi marunong makipagaway yung kapatid nya kaya bakit ito magkakasugat, at sa mukha pa talaga nagalusan.

"Kumain ka na nga dyan. Dumayo ka pa talaga ng dorm para lang sa agahan."

"Hehe! Yain na, masarap naman luto mo kaya aaraw arawin ko na."

"Sige lang, Kazumi Tamara. Siguraduhin mo'ng may Dalandan ako ah."

"Oh! Salo!" Tapos ihinagis ni Zumi sa'kin yung isang ponkan.

"Ano ba 'yan! Bubot yang Ponkan, ba't ang liit?"

"Kinapos ako eh, mamaya sa cafeteria. Ibibili kita ng Dalandan." At sa sinabi nya ay nagdiwang na naman ang mga mata ko. Grabe, ang saya saya.

Inilagay ko sa bulsa ng blazwr ko yung ponkan.

Tinapos na ni Zumi ang pagkain at ako naman ay nagsapatos na, saka kami sabay na lumabas ng dorm.

Deretso room din kami at ngayon ay wala parin si Zero at Cade, panigurarong nagpapagaling pa sila.

Bigla tuloy akong nagtaka kung paano malalaman kung saang ranking ako ng Phantom 15. Atsaka mukhang exciting yung IFBDS na sinasabi nila ah.

Kaso baka naman makarating kina Wayne at Kareen na nangangain lang ako ng Dalandan sa room atsaka nakikipagbasag ulo. Pero sabagay, confidential naman daw ang tungkol sa'kin kaya mukhang imposible na malaman nila na sumali ako sa Dark Society.

。。。

Natapos ang araw nang wala man lang ka-thrill thrill, ni hindi manlamang ako napapagalitan ng teachers at pinababayaan na lang ako'ng magbalat ng ponkan at magdrawing ng dalandan sa papel.

Nakakaboring talaga kasi hindi manlang ako pinatayo o binulyawan, atsaka isa pa, walang estudyante'ng nag-amok kaya hindi ako napaaway.

What a boring day indeed.

Napabuga ako ng hanging at hinipan ang bangs ko.

"Grabe'ng preparation ng SC sa pagpapalano kung paano ka tutugisin ah. Mukhang inaasikaso talaga nila ang paghihimagsik sayo." Mayabang na sabi ni Zumi habang nagaayos ng gamit.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon