Chapter 26: Red Flag, Red Tide

279 17 0
                                    

Chapter 26: Red Flag, Red Tide

-WYNNE KHALIL CY-

"Wow may pagkain na agad!"

"Ang bilis mo ah?"

"Yey! Pagkagising mo sa umaga, pagkain agad ang bubungad sa'yo?"

"Bruha, iuuwi na talaga kita sa amin. Daig mo pa 'yung luto ni dad."

"Khalil? Huy, okay ka lang? Parang ang putla mo?" Napapikit naman ako nang mariin sa tanong ni Raven na bahagya pa'ng lumapit sa kinauupuan ko at hinawakan ang leeg ko pero hindi naman sya napapitlag.

Hindi naman kasi ako mainit eh.

"Mukhang wala ka namang lagnat. Pero ba't ang putla mo?" Taka n'yang tanong habang sinusuri ako. Ako naman, hindi ako makagalaw ng ayos sa kinauupuan ko at hindi rin makatingin ng ayos sa kanya.

Nagsimula nang magsiusyoso sa amin ang mga itsurang unggoy na si Cade at Tyrone na nagsitigil sa pagaayos ng lamesa.

Nanlaki naman ang mata ko nang papalapit na sila sa akin. T-tangna.

"P-pisting yawa, Raven." halos nanginginig ko'ng bulong habang napapakapit ng mahigpit sa laylayan ng tshirt ko. Napapikit pa ako nang maramdaman ko na naman ito. "C-crispy put@-"

"Umayos ka nga bruha, puro ka mura paano kita maiintindihan-"

"Bwisit. Nabulwak." Alanganing sabi ko atsaka napatingin sa kanya.

"Ay tungaw. Meron ka'ng red tide?" mahina niyang bulong na ikinatango ko. "Nagsandwich ka na?" Tanong nito. Tapos nagets ko naman ang gusto n'yang sabihin sa'kin kaya tumango din ako para sabihing naglagay na ako ng you know.

Kanina ko pa'ng umaga alam na magkakared tide ako. Ramdam ko na kasi yung kakaibang ano, basta ayun. Tapos para ready ako ay naglagay na agad ako kahit wala pa. Mabuti na nga lang at mayroong sandwich kuno sa CR.

Ngayon ngayon lang naman bumulwak takte. Masakit sa puson.

"Ano'ng nangyari d'yan? May masakit ba?" Tanong naman ni Cade na lumapit pa pero pinigilan naman ni Raven.

"Lumayas ka na nga. Maghain ka na."

"Ang sungit nito, tinatanong ko lang naman si Khalil. Porket nagaway kayo ni Hunt." At dahil sa sinabi'ng 'yon ni Cade ay pinanlakihan na ng mata ni Raven ito.

Teka nga, oo nga no. Hindi ko napansin na wala si Hunt dito kagabi, kagabi kasi ang kukulit nila.

"Nagaway kayo ni Hunt?" nanghihina ko'ng bulong habang nakahawak parin sa laylayan ng damit ko na nasa may bandang puson.

You know, ang sakit kasi talaga.

"Tsk, eh paano naman kasi eh. Pinapipilitan niya kahapon na may gusto daw sa akin iyo'ng si Kiba kkaya kailangan ko'ng lumayo. 'Yung player ng baseball dito sa Knights. Eh tinanong lang naman n'ya ako kung nagkita na ba kami dati kasi mukha ngang pamilyar s'ya sa'kin at nakita ko na s'ya sa kung saan man maliban sa school."

Teka, Kiba? parang kilala ko yung pangalan ah? Di bale na.

"Nagaway na kayo ng dahil don?" Tanong ko sa kanya na ikinasimangot n'ya.

"Oo, mukhang nagselos eh. Para naman kasing may gusto ako don sa Kiba diba?"

"Alam mo kung anong tawag d'yan?" Tanong ko na ikinalingon n'ya.

"Ano?"

"Sana ol."

"Tsk. Bastos." Bahagya ako'ng natawa pero agad ding natigilan.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon