Chapter 9: Girls Dormitory

287 19 0
                                    

Chapter 9: Girls Dormitory

-WYNNE KHALIL CY-

"Bakit para'ng puro dalandan yung nasa headquarters?" Tanong ko sa kanila.

Grabe naman kasi eh.

Puro dalandan na softdrinks, Royal Tru Orange, Citrus, Mirinda, Minute Maid, Tang Orange, 8 o'clock orange, Orange Soda at pitsel ng tubig na may nakalutang na Lemon at Orange.

Pati yung mga niluto'ng pagkain, sweet and sour chicken na may Orange at Pineapple, Pizza na may Orange, sweet and sour na Beef, Pork at fish na may Orange, Crabs na may Orange at mga seafood na may lahok na Orange.

Habang ang desserts naman ay Cake na may Orange marmalade, French toast na may Orange Jam, macaroon na Orange Flavored, Orange Cheescake at Orange Ice Cream.

"'Di mo ba nagustuhan?" Tanong ni Emmanuel sa'kin kaya't naibaling ko ang paningin sa lamesa ng headquarters na puno'ng puno ng mga dalandan, orange at ponkan.

"Hindi eh.. BECUZ AY LAB ET!" Dali dali ako'ng nagtungo sa lamesa at inamoy ang mga pagkain.

Grabe! Hulog ng langit! Puro dalandan! Ang yaman!

"Akala ko di mo nagustuhan." -Casper.

"Asa ka pa dyan." -Hunt.

"The living dalandan." -Raven

"Paano natin kakainin yan. Grabe, puro maasim." -Cade.

"Reklamo pa, mamaya pag bumulos ka pa dyan." Tyrone.

"Ang iingay nyo grabe." -Kazuki.

"Kumain na nga lang kayo!" -askal.

Tinawanan ko yung lima dahil napagalitan na naman sila.

Kanina pa mainit ang ulo nito'ng si Zero. Halatang halata na iritado sya simula noong pumasok ako sa headquarters.

Masyado naman ata n'yang ipinapakita na ayaw n'ya sa'kin.

Lumingon ako kay Zero at nginitian sya ng sobrang tamis.

"Congratulations Ms. Cy." Mapakla nyang bati.

"Thank you very much, Askal." Pagpapasalamat ko na ikinasama ng tingin nya sa'kin.

"Okay, you may all eat." Sabi ni Emmanuel. Lumapit ako sa kanya habang bitbit ang ponkan na nanenok ko sa table.

"Paano mo nalaman na favorite ko yang mga yan?" Pabulong kong tanong sa kanya habang nakangiti.

"The Octavians told me before hand."

"Eh bakit ganon kabilis mo'ng naihanda yung mga pagkain. Hindi naman pwedeng pagkapanalo ko ay nakapagluto na agad." Pero tumawa lang si Emmanuel nang tumawa. May sira ba 'to?

"Zero and I have bet. Alam mo na ang pusta nung bata'ng 'yon. Kapag daw natalo ka ay patatalsikin na kita sa school. But I told him that if you win, he'll take care of you as the new member and promise to also take care of his temper. Sa katotohanan nga ay naipaghanda na kita ng mga pagkain na 'yan bago pa magumpisa ang match ninyo kanina." Sabi naman ni Emmanuel na ikinangisi ko. "I'm confident that you'll win Ms. Cy." Bulong mi Tanda sabay tingin kay Zero na ngayon ay matamang nakatingin sa'min

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon