Chapter 16: Octavians, Let's Get It On

261 17 0
                                    

Chapter 16: Octavians, Let's Get It On

-WYNNE KHALIL CY-

Kanina pa kami nakaupo sa may couch matapos kong abutin yung baril na iniabot ni Zero kanina.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang dalawa kong palad...

Ito 'yung unang beses na nakahawak ako ng baril. Kutsilyo, balisong, knuckles at baseball bat oo, nakagamit ako. Pero baril...

Naramdaman ko ang paglubog ng tabi ko. Umupo kasi si Raven.

"Royal oh. Galingan mo mamaya ah, solo battle yun." Sabi ni Raven sabay ngiti. Pero kahit nakangiti sya, alam mong tipid lang yun at kita mo na nagaalinlangan sya.

Kinuha ko yung inabot ni Raven na Royal na nasa can. Sabay lagok lahat. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

Aminado akong basagulo ako pero hindi ko naman kailangang humawak ng baril.

Natatakot tuloy ako ngayon... Pakiramdam ko talaga mayroong hindi magandang mangyayari.

Hindi ko alam kung ano pero pakiramdam ko may mangyayari talaga ngayon.

Lumagok ako ng isa bago ngitian si Raven.

"Mabuti na lang may suhol kang Royal." pagtawa ko.

"Umayos ka nga. Alam kong kabado ka." sabay tapik nya sa balikat ko.

Kinakabahan nga ba ako? Hindi naman diba?

Sumandal ako sa couch at huminga ng malalim.

"Kailan pa ako kinabahan ha? Ako pa talaga ang kakabahan?" parang baliw na pagtawa ko.

Dumekwatro ako at pumikit ng mariin.

Saglit na lang at paalis na kami sa loob ng campus para pumunta sa paglalabanan ng Dark Society.

Ang sabi ni Kazuki sa'kin ay Ground Zero daw ang tawag dun sa battle grounds.

Nakita ko naman ang pagtungo ni Raven na nasa tabi ko.

"H'wag kang magalala. Ganyan din ako nung unang beses akong nakahawak ng baril. Ayaw ko ding tanggapin. Ang kaibahan nga lang. 17 years old ka na nang nakahawak ka ng baril. Ako, pagkatungtong ko ng seven years old, niregaluhan ako ni daddy ng baril. Tapos... Ayun, dun ko lang nalaman na miyembro pala ng assassin si daddy. All this time ay akala ko, nagtatrabaho lang si daddy bilang isang simpleng business man pero araw araw pala syang inuutusan para magligpit ng mga tao."

Natulala ako kay Raven nang sabihn nya yon.

"Ibigsabihin---"

"Hmm... Bata pa lang ako nakikita ko na kung paano mamantsahan ng dugo yung damit ni daddy." At hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay nasabi na nya ang sagot.

Natahimik ako.

Nabuhay ako sa mundo ng suntukan. Akala ko kasi ay maganda ang action pack na buhay sa isang studyanteng tulad ko. Akala ko mas maganda kung panay ako pakikipagaway dito, pakikipagbugbugan don.

Cool na ako non.

Habang lumalaki ako nang nanununtok at nananakit ng mga tao, lumaki si Raven nang puro dugo ang nakikita.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon