Chapter 30: Warning or a Threat

208 13 0
                                    

Chapter 30: Warning or a Threat

-WYNNE KHALIL CY-

"Oy pre, kamusta ka d'yan sa ilalim ng lupa? Malungkot ka ba?" tanong ni Cade. Maya maya lang ay may nagsalita sa gilid kaya nagulat kami.

"Oo pre malungkot dito. Mainit, tapos madilim."

"P're bakit iniwan mo na agad kami? Hindi mo na ba kami mahal?" Emosyonal na tanong ni Cade.

"P're pasensya, hindi ko na kaya'ng tagalan ang pagiging ogag ni Cade kaya lumisan na ako sa mundong ibabaw. Pero hindi ko kayo mahal. Wag kayo magalala." sagot nung boses.

Napahawak naman ako sa noo ko dahil sa kalokohan ng mga 'to.

"Ganon ba p're. Sabihin mo sa lola ko mahal na mahal ko s'ya ah. Kahit buhay pa ako-"

"Magtigil nga kayo'ng dalawa. Napakauulaga ninyo. Pati si Casper napagtripan pa." inis na sita ni Raven na may matching pagbatok pa sa kanilang dalawa.

Napakashunga naman kasi ni Cade para sagutin 'yung boses eh si Tyrone lang naman 'on. Mga siraulo talaga.

Nakita ko si Hunt na lunuhod para ipantay ang sarili sa lapida ni Casper.

R. I. P

Casper Marshall P. Mesillo

Born: May 14, 2002

Died: October 21, 2019

Ang nakasulat sa lapida...

Putik na yan Mesillo. Kamusta ka d'yan sa ilalim ng lupa. Masamang damo ka pa man din akala ko matagal bago ka mamatay.

"Pare mahal na mahal kita-"

"Tangn@ mo Tyrone. Pag sumagot si Casper!" Malakas na bulyaw ni Cade na kulang na lang ay bumangon na ang mga patay dito sa sementeryo dahil sa lakas ng sigaw n'ya.

Hindi namin pinansin 'yung dalawa dahil paniguradong kalokohan na naman ang lalabas sa bibig nila. Hindi pa naman nag mouthwash 'yan. Mabahong jokes.

Okay.. Korny.

"Pre! Pakasaya ka d'yan. Iniwan mo na agad si Kazuki-AH! TARANTADO KA CADE NATUTULOG PA PALA SI KAZUKI SA SASAKYAN. GISINGIN MO! MAGWAWALA 'YON PAG HINDI-"

"Ang ingay mo Hunt!" Napahawak naman ako sa noo kong malapad (slight lang) dahil sa ang gulo gulo nila.

"Ako na gigising kay Ate." Sabi ni Zumi.

"Aso.." tawag ko kay Zero, pero as usual ay hindi lilingon ang lolo n'yong askal. "Hoy Aso."

"Oh? Ano ba?"

"Arte nito."

"Ano nga? Pakawalang kwenta mo kausap."

"At least walang kwenta eh ikaw? Walang jowa." banat ko na s'yang ikinasimangot n'ya.

Huli kang aso ka.

"Pag ako nagkaroon ng jowa. Itatabi kita sa libingan ni Casper."

"Ako pa maghuhukay."

"Gago."

"I crush you too." Sabay ngiti ko.

Lumuhod naman ako at bahagyang tiningnan ang lapida ni Casper.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon