Chapter 59: Just Friends

201 12 11
                                    

Chapter 59: Just Friends

-WYNNE KHALIL CY-

"Napaka sira mo kasi. Nakakayamot ka. Kasalanan mo naman kasi 'yon e."

"But you didn't make it clear! So basically it's not my fault."

"Parang tae, syempre kasalanan mong hindi buksan lahat ng file. At talagang may pa-girlfriend ba kita ka pang nalalaman ah. Dito ka! Lintek ka!"

"Sorry! Damn, wag mo akong hampasin."

Sinamaan ko sya ng tingin dahil doon. Nakakainis s'ya.

Sinabi ko sa kanyang break na kami dahil hindi nya malalaman kung nasaan yung regalo ko sa kanya kung hindi nya mabubuksan yung orange na box na may lamang USB. naandon kasi sa isang file yung regalo ko e kaso dahil shunga sya yung video yung binuksan nya. Nakakasura.

"Oy, sorry na."

Hindi ko sya pinansin at pumunta sa kwarto ko. Akmang susunod pa ito nang pagsarahan ko s'ya ng pinto.

"Hey sorry."

"Khalil. I'm sorry. Okay, kasalanan ko na."

"Sorry na please?"

"Lumabas ka naman d'yan."

"Look, they're laughing at me. Shut up you all-Khalil sorry na."

"Promise babawi-"

"Ang ingay mo!" Inis kong sigaw dahil wala itong tigil sa kakakatok sa kwarto ko.

Parang siraulo e. Nagbihis lang ako kung ano ano na pinagsasabi.

"Why are you wearing that shirt?" Tanong nito sabay turo sa kulay puting t-shirt na may mga orange at lemonade na print. Katulad nung sa kanya.

"Bakit? Hindi ba 'to para sa'kin?"

"I mean, saan ka pupunta? Why are you wearing that?"

"Magd-date tayo para matahimik ka na. Ayaw mo ba? O s'ya wag-"

"Okay where are we going?" Biglang putol nito sa sasabihin ko na ikinangiwi ko.

Basta talaga date ano?

Inirapan ko ito bago mauna ng lakad pababa ng hagdan. Doon ko naabutan ang mga ulaga na nanonood ng TV habang nagchichikahan.

Bigla nila kaming nakita at nanliit ang mga mata nila.

"Grabe puro orange ang nakikita ko. Ang sakit sa mata." Nakatakip sa mukhang sigaw ni Tyrone.

"Mommy mukhang gagala yung dalandan mo." Sabi ni Shaine este Kharil kay Kareen.

"No problem!" Nakathumbs up naman nyang sagot habang may daladalang mga pagkain para sa mga bwisita.

"Iuwi mo 'yan ah." -Wayne.

"Kahit wag na daddy."

"Ate." Inis kong sabi habang masamang nakatingin sa kanya dahil sa sinabi nya. Talaga namang.

Nagtaka ako nang makitang tagimik sila at nakanganga.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon