Chapter 38: The Alpha And Omega

181 12 0
                                    

Chapter 38: The Alpha And Omega

-WYNNE KHALIL CY-

"Sabi nang akin yang itlog. Ang kulit mo."

"Wala ka sabing itlog."

"Bahala ka nga d'yan!"

"Bahala ka din."

Napamulagat ako sa ingay na narinig. Ksyo nagaagawan sila sa itlog.

Gusto ko sanang damputin ng pinakamalapit na bagay na mahahablot ko 'tong si Cade at Tyrone kaso naman ay wala ako sa mood para gawin 'yon.

Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang nangyari. Panaginip lang ba 'yon?

Dali dali akong napatakbo sa CR at tumingin sa salamin bago hubarin ang suot kong T-shirt.

Malinaw sa akin ang lahat. Nabaril ako sa may kanang braso at nagkagulo sa mansion ng mga Lim. Dumating ang mga taong nakaitim at nanlaban kami.

Kaso hindi ko na alam kung paano ako nakauwi.

Dahan dahan akong tumalikod at sinilip ang repleksyon ko sa salamin para hanapalin kung nay bakas ba ng sugat o dugo dito pero ganon na lang ang gulat ko nang wala manlang kung anong bakas ng sugat o hiwa sa kanang likod ko.

Sigurado ako. Sigurado ako na nabaril ako.

Dahil sa gulat ay dali dali akong nagpunta sa lababo at hinilamusan ang mukha. Malinaw sa akin ang lahat! Hindi ako nagkakamali.

"Khalil, and'yan ka ba?" Rinig kong tanong mula sa labas na ikinabalik ko sa huwisyo.

"O-oo." Sagot ko at agad naman na dinampot ang t-shirt ko bago nagbihis.

Lumabas din ako at tumambad sa pagmumukha ko si Raven.

"Tagal mo matulog." reklamo nito sa akin.

Naisipan ko tuloy na tanungin s'ya. "Raven, paano tayo nakauwi? May nasaktan ba sa'tin?" Interesado ko'ng tanong. Baka kasi mamaya ay tama naman ang naiisip ko.

"Ulaga ka ba? Umuwi tayo. Nakatulog ka lang sa kotse ni Zero. Ang hirap mo ngang bihisan e. Hirap na hirap kami ni Kazuki." nakangiwing sabi n'ya.

Kung ganon... "Dumating ba 'yung mga tauhan na nakasuot ng itim." Tanong kong muli.

"Napapano ka ba? Aba oo. Nakipagbarilan nga tayo e-ay bahala ka. Ewan ko sayo. Maghanda ka na d'yan at maya maya lang ay dederetso tayo sa Ground Zero. Ngayon yung official start ng IFBDS" Mataray n'yang sabi bago ako iwan sa labas ng CR at pumasok sa banyo.

Naiwan akong tulala.

Kung nakalaban namin 'yung mga tauhan na nakasuot ng itim bakit...

Bakit nawawala 'yung tama ko sa balikat. Napahawak na lang ako sa kanang bahagi ng likod ko at marahang iniikot.

Wala namang masakit.

Walng manhid.

Walang kung anong kakaiba akong mapansin.

Baka nga nananaginip lang ako. O baka naman dala lang 'to ng kapaguran. Tama..

。。。

Napadapo ang tingin ko sa harapang arena. Kanina pa kami nandito at hinihintay na lang ang eksaktong 11 para sa pagsisimula ng IFBDS.

Nabanggit nila Kazuki sa akin na napaaga daw ang paguumpisa ng IFBDS dahil noong mga nakaraang taon daw ay panghuling linggo ng buwan ang umpisa ng IFBDS.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon