Chapter 36: Bullets Are Waving

192 11 0
                                    

Chapter 36: Bullets Are Waving

-WYNNE KHALIL CY-

"Don't you dare go far away from me. Or I'll be the one to kill you." Sa yamot ko ay tinanggal ko ang kamay n'ya na nakahawak sa kamay ko.

Parang s'ya pa ang papatay sa'kin kaysa sa mga kalaban e.

Ngumisi ako bago dukutin ang bubble joe na nakasipit sa strap ng bra ko at nginuya.

Habang nakatago din sa ilalim ng mesa ay tinanggal ko ang mahabang parte ng gown ko para walang sagabal. Ngayon ay above the knee na 'yung gown ko na kanina lang ay natatabunan ang hita ko.

"What the heck?" Tanong ng katabi ko pero pinaghairflip-an ko lang s'ya.

Maingat akong sumilip sa itaas at nakitang naandon parin sila.

Kahit sila Raven at Kazuki na ngayon ay magkasamang nagtatago sa table nila ay hindi makatyempo ng atake.

Paano nakapasok ang mga kalaban dito?

Bigla kong naalala 'yung sulat na ipinadala kay Kazuki sa loob ng dorm namin.

Black...

Malamang sa malamang na iisa ang mga taong nakaitim sa mga taong nakabantay sa amin ngayon.

Mabuti na labg ay maingat na naitakas nila Zumi ang mga pinsan ni Zero. Siguro ay binackup-an nila Cade at Ty.

Huminga ako ng malalim bago pumikit at pakiramdaman ang paligid.

Sa tantya ko ay nasa lagpas benteng dipa ang layo ng kalaban sakin mula dito sa table hanggang sa itaas ng mansion.

Sana lang ay wala pang nasasaktan ang mga 'yan dahil ako mismo ang uubos sa kanila.

Huminga ako ng malalim.

Ito ata ang kauna unahang pagkakataon na makakalabit ko ang gatilyo. Unang beses pero susubukan.

Kahit na nakatabon kami ng lamesa na may tela at hindi ko kita ang kalaban sy sinakap ko na pakiramdaman kung saan ba ito nakapwesto bago bigyan ng isang malutong na bala sa balikat.

Wala akong balak na tirahin sa ulo o di kaya sa dibdib ang kalaban. Hindi ko intensyon na pumatay katulad ni Aso. Sanayan na 'yan opkors.

"Naka isa na ako." mahina kong bulong bago dahan dahang humiga sa damuhan ng mansion garden at sumuot sa ilalim ng table na mukhang hindi naman napansin ni Ze dahil wala akong pakialam sa kung ano mang ginagawa ng walang kwentang aso'ng 'yon.

Balik tayo sa ginagawa ko. Huwag intindihain si crush. Nakakadistract oki.

Ikinasa ko ulit ang baril bago pumwestona higa dahil masyadong maliit ang table.

Muli ay pumikit ako at pilit na pinakikiramdaman ang katabi n'ya pero masyadong magulo.

Siguro ay nagkakagulo na sila dahil nabaril ko ang isa sa kanila.

Walang ano ano ay pinaputok ko na naman ang aking baril kahit hindi ko sigurado ang patatamaan.

Dalawa na.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon