Chapter 35: At the Lim's Mansion
-WYNNE KHALIL CY-
"Honey, okay ka na ba d'yan?"
"Pababa na." sagot ko pabalik at tiningnang maigi ang mukha sa salamin.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at gayahin si Zumi. Haler! Hindi ako nagupit.
Cute ang short hair pero hindi ko naman tatadtarin ng gunting ang bagsak kong buhok.
Ang meaning ko, nagkulay din ako.
Kaya medyo natagalan pa ako sa kwarto. Maaga pa naman nung natapos akong ayusan.
Hindi na tuloy kulot 'yung buhok ko kasi blinowdry ko na lang.
Tiningnan ko 'yung buhok ko na halos lumagpas na sa bewang at nakita ang orange at pulang kulay sa may bandang kalahati ng buhok ko. Ombre din gaya ng damit ko.
Alam kong bawal sa school 'to pero dahil alamat ako ay pwede parin. Wala na namang magagawa ang mga 'yan kapag nakita na nila ang buhok ko.
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. Dala dala ang baril na nkasakbit sa binti ko. Hindi naman 'to halata dahil mahaba ang suot ko.
Pero nagulat ako nang pagbaba ko ay may isang pares ng malakas na boses g umalingawngaw sa magkabila kong tenga.
"OH MY GOODNESS HONEY!" -Kareen
"ANAK! BAKIT KA NAGKULAY NG BUHOK?!" -Wayne.
Napatakip ako sa tainga ko dahil sa lakas ng sigaw nila. Susmariyosep. Pagkalabas na pagkalabas ba naman ay bubungaran ako ng sigaw.
Kinunutan ko sila ng noo bago nagsalita.
"Ano ba naman 'yan? Magkabilaan talaga?"
"Waaaah! Baby, ang tagal ko nang hinintay na kulayan mo ang buhok mo." nanggigigil na saad ni Kareen habang tuwang tuwang hinahaplos ang bagsak na bagsak kong buhok.
"Ano ba naman 'yan? Akala ko ay ayaw mong pakulayan 'yang buhok ni Khalil? Ano'ng nangyari?" pigil ang inis na tanong ni Wayne sa'kin.
Bumaba na ako sa hagdan habang ang dalawa naman ay panay lang ang sunod sa'kin.
"Balak ko sana'ng gawing model si Khalil. Ang kaso naman ay ayaw mo! Matagal nang nasa kwarto ng anak mo 'yang pangkulay ng buhok dahil s'ya ang balak naming gawing next model para sa hair colorant. Eh kaso kontrabida ka." nagmamaktol na sabi ni Kareen kay Wayne.
Ako naman ay napatakip na lang ulit sa tainga ko dahil sa lakas ng sigawan nilang dalawa.
Wangjo naman oh. Ano ba 'to? Nakalunok ng microphone?
Palibhasa ay walang ibang tao sa bahay kundi silang dalawa. Wala naman kasing kasambahay o driver sa bahay dahil ayaw nilang lumaki daw ako nang may kasambahay. Hindi daw kasi ako matututo. Ayan tuloy, ang lalakas ng loob magbulyawan sa bahay dahil wala namang ibang tao.
Hindi ko lang pinansin ang dalawa hwnggang sa may busina akong narimig sa labas.
Siguro ay sila Kazuki na 'yan.
BINABASA MO ANG
Love At First Punch
Teen FictionPUNCH Series | Book 1 Isipin mo, babae ka tapos yung bibig mo kung makapagsalita parang rapper? Tapos isipin mo din na model yung nanay mo tapos ikaw para kang model na rumarampa sa boxing ring. Hindi nga lang yung babaeng may hawak ng signage... y...