Chapter 39: Wyx Alcomendras

208 11 2
                                    

Chapter 39: Wyx Alcomendras

-WYNNE KHALIL CY-

"Balita ko dadating daw si Tatang Wyx ah?"

"Wyx? Sinong Wyx?"

"Sino pa bang Wyx ng Knights? Ulaga, si Wyx Alcomendras-"

"Ah! Sorry na. Nalimutan ko na e."

"Sumbong pa kita."

"Hoy walang sumbungan!" Napapikit ako sa malakas na sigawan na narinig ko.

Nasa headquarters ako at nagpapahinga. Kakatapos lang din naming kumain.

Nasa kusina sila Raven at Zumi dahil puros mga gutom parin kahit na kakagaling lang naman namin sa Cafe. Habang si Aso, si Kazuki at si Cade naman ay nasa #TotoongHeadquartersNgKnights para sikasuhin ang nalalapit na foundation day ng school.

Balita ko kasi ay sa Wednesday na ang official na pagbubukas ng Knights para sa publiko. Invited nga ang karamihan ng schools. Naimbitahan ko na din ang mga ungas kong pinsan. Monday pa lang naman ngayon at isang araw na ang nakalipas matapos ng pagkapanalo namin ni Aso sa Alpha and Omega na dapat ay The Askal and The Dalandan ang title.

Mas naging alerto lang kami dahil mamaya ay may mga makapasok palang Black. Delikado na.

"Miss ko na si Tatang Wyx." Bulong ni Tyrone sa gilid dahil puros mga lalaki lang ang kasama ko sa sala.

Kanina ko pa naririnig 'yang pangalang Wyx ah. Mabuti sana kung kasing gwapo ni Na Jae Min 'yong sinasabi nilang Wyx dahil parang artistahin ang dating n'ya.

Eh paano pala kung mukhang kawatan naman pala 'yon. Edi yari na.

Sinubukan kong luwagan ang neck tie ng uniform ko.

"Gwapo ba?" Kunyaring hindi interesadong tanong ko. Habang tinitingnan ang kulay dilaw at orange kong mga kuko.

Nakita kong nagtinginan muna ang tatlo bago ako samaan ng tingin.

"Yan! Ganyan kayo! Basta lalaki, buhay na buhay." Galit na sabi ni Cade na ikinataas ng kilay ko.

"Wag na wag mong masabi kay Raven na pupunta si Wyx! Paniguradong kakalimutan n'ya na ako ang boyfriend n'ya! Basta gwapo, kinalilimutan ako!" Inis din na dagdag ni Hunt.

"Oo! Tama! Basta gwapo! Kayo! Kayong mga babae! Wala na kayong bukambibig kundi-" pinutol ko ang sasabihin ni Tyrone at tiningnan sila.

"Si Hunt, gets ko. Nagseselos yan dahil mayroon s'yang Raven. Pero kayo'ng dalawa..." tapos nagpalipat lipat ang tingin ko kay Cade at Ty. "Ano'ng ikinapuputok ng butchi n'yo? Ikaw, Cade. Kay Kosmos ba? Fangirl 'yon kaya malamanga malamang na kinikilig sa ganon 'yon. Wala pang kayo pero parang hindi mo na tanggap na nagfafangirling s'ya. Paano na kaya kapag kayo na. At ikaw naman Tyrone, ayos ayusin mo kasi ang pakikipagusap kay Zumi. Hindi 'yung sinisigaw-sigawan mo s'ya, kaya naghahanap ng mas gwapo e." Tatawa tawa kong sabi bago tumayo at nagpunta sa kusina.

Nadatnat ko naman sila Raven at Zumi na hinihimas himas na ang t'yan. Umupo ako sa high chair at pinagmasdan sila.

"Puros kayo pagkain." Bulong ko sa kanila at dinampot ang isang malaking dalandan sa lamesa.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon