Chapter 13: One Punch Woman

269 20 0
                                    

Chapter 13: One Punch Woman

-EZEKIEL ZERO LIM-

"Grabeee, ang sarap. Busog na busog ako." -Cade

"Ang yaman siguro ni Khalil." -Tyrone.

"Baka scam 'yan. Mamaya may kapalit palang dalandan." -Raven.

"Ang iingay nyo, can you just eat?" Nanlalaki ang matang sabi ko. Kakain na lang ang iingay pa.

Habang nakain ay pansin ko ang pananahimik ni Kazuki sa gilid. Dapat ay dumadaldal ito kasama si Raven ngayon.

I took a sip from my coffee and wipe the excess coffee in my mouth.

"Arte mo kumain." Puna ko kay Hunt na sobrang bagal maghiwa ng pizza. Sosyal na bata.

"Mind your food bro."

"Tapos na ko." Nakita ko naman ang dugyot na paraan ng pagpupunas ni Cade at Tyrone ng bibig. Yuck.

"Tagal ata ni Khalil." Bulong naman ni Raven kay Kazuki.

Ngumisi ako bago prenteng umupo.

Mamaya kinain na pala 'yun ng lababo ng CR. Edi masaya. Hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako kaya umiling ako at sumeryoso.

"Kuha lang ako ng tubig." Pagpapaalam ni Casper sa'min.

Tumayo na si Casper at naglakad papunta sa may water dispenser.

Hindi ko na masyadong pinagpapansin pa ang pagdadaldalan nila Cade at Tyrone nang kapain ko 'yung bulsa ko para hanapin 'yung phone ko pero nagtaka naman ako nang walang makapang wallet.

Asan na 'yon?

Andito lang yon sa pocket ng blazwr ko ah.

"Ano'ng hinahanap mo?" Tanong ni Raven.

"Wallet ko. It's in my-" napatigil ako sq pqgsasalita nang may maisip na posibilidad kung na saan na ang wallet ko.

Nagkatinginan kaming anim nang mapagtantong naloko ako.

"Bro, snatcher pala eh." Halos sumabog na ang tawa ni Hunter na sinamaan ko lang ng tingin.

Fudge! I knew it! Akala ko ay manghuhula lang s'ya! Hinawak hawakan pa 'yung pisngi ko! That damn woman. Ninakaw pa ang wallet ko.

Napasimangot ako bago tumingin sa table namin.

"Wait. Baka naman ginastos ni Khalil 'yung pero mo sa-

"Hindi sakin yan!"

Lahat kami ay napalingon sa kinaroroonan ni Casper nang may sumigaw.

Dali dali'ng tumakbo si Khalil palabas ng cafeteria.

"Khalil!" Rinig kong sigaw ni Raven at Kazuki.

"Ano'ng meron?" Tanong ko. I don't have a single idea what's going on.

"Si Khalil..." Lahat kami ay napatingin na lang kay Kazuki na panay ang bulong sa pangalan ni Khalil.

Okay? Okay, what's happening.

"Ano na ba'ng nangyayari? I don't understand! Bakit hinahabol ni Casper si Khalil and she even said that hindi sa'kin 'yan-"

"May sakit si Khalil, okay? Ang sabi nya wag ko daw ipagsasabi sa kahit na sino ang tungkol don. Nung gabing nanalo sya as Rank 9 sa battle nila ni Caler, inatake sya-"

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon