Chapter 23: Excess Baggage

239 16 0
                                    

Chapter 23: Excess Baggage

-KAZUKI HIRUKASHI TAMARA-

"Kumalma ka muna Kazuki. Galit na galit ka."

"Sino'ng hindi magagalit kay Zero?"

"Yun na nga eh. Kalma muna kasi."kalmadong sabi ni Raven tapos naramdaman ko na lang ang paghagod nya sa likod ko na para bang pinapakalma ako nito.

Alam mo inis na inis ako dyan kay Zero eh. Hindi ba sya nagiguilty sa ginawa nya kay Khalil?

Nasaktan na nga sya physically tapos pati emotional stress ay inako na nya.

Hindi man sabihin sa amin ni Khalil na nasasaktan sya. Alam ko naman na naaapektuhan parin sya. Ikaw ba naman ang pagsalitaan ng ganon.

Sya kasi yung tipo ng tao na tatawa tawa lang, padalandan dalandan lang. Tapos konting joke lang kala mo okay na. Hindi mo alam na nasasaktan na pala sya.

Sobra tuloy ako'ng nagiguilty dahil pinatawag tawag kami ni Zero para pagbintangan lang si Khalil. Nagmeeting kami nang wala man lang kaalam alam si Khalil. Tapos ayun, nahuli nya kaming naguusap dito sa headquarters.

Maiksi pa man ang panahon ay kaibigan na ang turing ko kay Khalil. Sya kasi yung tipo ng tao'ng may pagkainosente at ignorante man sa maraming bagay. Sya parin yung tao'ng totoo. Hindi nya kailangang magpanggap na mabait kung alam nya sa sarili nya na bastos sya sa harap ng teacher. Hindi nya kailangang magpanggap na friendly dahil kung ayaw nya talaga sa isang tao ay ayaw nya sayo.

Pranka sya, totoo, hindi mo kakikitaan ng arte. At higit sa lahat, isa sya sa mga hinahangaan ko kahit pa sasaglit na panahon pa lang kami nagkakasama.

"Babalik din yung bruhang 'yon kaya umayos ka muna d'yan." dinig kong sita ni Raven sa'kin.

"Sana bumalik na sya." mahina ko'ng bulong. Pero maya lang ay napagtanto kong may inutos nga pala ako. "Asan na yung tatlo. Bakit parang ang tagal nila? Hindi ba't sa Central lang naman sila pumunta-"

"Tae tae ka Kazuki! Wala si Khalil sa mall! Sa laki ba naman ng mall, sa tingin mo ba ay mahahanap namin sya nang kami'ng tatlo lang ang magkakasama?" Halos mapatalon na ako sa gulat nang pabulusok na pumasok ng headquarters yung tatlo at napapahawak sa dibdib.

"Wala?"

"Oo, naghiwahiwalay na nga kami base sa plano ni Ty." gatong naman ni Cade na ngayon ay nakasalampak na sa couch.

"Wala sa mga fast food. Wala sa supermart, wala din sa department store. Whoo! tatlo lang kami Kazuki. Babe-ay Raven penge water." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Hunt. Maging kaming lahat na nasa headquarters.

"Hoy, may hindi kayo sinasabi sa'min. Ano yon!" nakita ko ang pagmamadali ni Ty habang sinasabi 'yon. Dali dali syang nagtatakbo papunta kay Hunt at marahas na pinagaalog ang balikat nito.

Grabe.

Marahan ako'ng lumingon kay Raven na ngayon ay kabado'ng nakatitig din sakin.

"Hoy bruha. Umamin ka nga-"

"Teka, kukuha ako ng tubig." Paalam nya. At hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagtatakbo na ito papuntang kusina.

Love At First PunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon